Kung sinusubaybayan mo ang competitive scene ng Mobile Legends: Bang Bang, malamang ay napansin mo na rin ang 3 Guardian Helmet Masha build na ginagawa ng mga pros sa hero.

Sa unang tingin, mukhang passive ang item build dahil hindi naman nag-iistack ang 2.5% Max HP per second regeneration effect ng item. Kaya naman nananatili itong palaisipan ito sa mga fans ng laro.

Pero kung ginagawa ito ng mga pros sa competitive play, siguradong may magandang naidudulot ito sa fighter. Anu-ano nga ba ang advantages nito?


3 Guardian Helmet Masha build sa competitive play

Credit: ONE Esports

Kaagapay ng item build na ito ang strat na sumikat sa parehng MPL PH at MPL ID.

Unang isinalang ito ng ECHO roamer na si Tristan “Yawi” Cabrera sa Week 6 ng MPL PH Season 9 kung saan ginamit niya ang Masha kontra TNC at Blacklist International. Parehong pinadapat ng koponan ni Yawi ang dalawang team.

Sa game 2 ng play-ins kontra sa ECHO, ginamit din ito ng Smart Omega EXP laner na si Renz “Renzio” Cadua para dominahin ang Super Team. Nagawa pa ngang makapaglista ng Savage ni Renzio hawak ang hero sa mga huling segundo ng laro. Ito rin ang unang Savage na naitala sa hero sa kasayasayan ng MPL.

Sa Indonesia, ginamit nina Thomas “Vall” Galileo ng Rebellion Zion at Calvin “Vynnn” ng RRQ Hoshi ang multiple Guardian Helmet Masha build sa regular season.

Sa paghawak ni Vynnn sa hero kontra Geek Fam, ginamit niya ang Retribution battle spell na pinatunayan ang bangis ng Masha sa pang-iinvade ng jungle ng kalaban.


Mga rason kung bakit kailangan ng HP items ni Masha sa meta ng MLBB ngayon

Malaking rason kung bakit pasok sa meta ang Wild-oats Fist ang buff na ibinigay sa kaniya sa patch 1.6.66. Partikular na nabigyan ng pagbabago ang kaniyang offensive skills na Wild Power at ultimate na Thunderclap na nag-iiscale kasabay ng kaniyang HP.

Kaya patok ang 3 Guardian Helmet Masha build dahil ang item ang may pinakamataas na HP stat sa laro kung saan nabibigyan ng adisyunal na 1550 HP ang may hawak nito.

Credit: Moonton

Bukod sa swabe ang epekto nito sa kaniyang Ancient Strength passive, malaki rin ang maiaambag ng item build sa kaniyang damage output. 

Ang rason kung bakit hanggang tatlong Guardian Helmets ang binubuo sa Masha ay binibigyan nila ng puwang ang items tulad ng Immortality para sa karagdagang survivability, Cursed Helmet para sa extra AOE damage at boots para sa movement speed.

Dahil sa broken ang pagsalang ng 3 Guardian Helmet Masha build, agad na binigyan ng Moonton ng emergency nerf ang hero pitong araw pagkatapos lumabas ang patch 1.6.66 para matono ang ilan sa kaniyang mga attributes.

Nasubukan niyo na ba ang item build na ito? I-komento ito sa aming posts sa Facebook!

BASAHIN: Masha item build guide mula sa pro players ng MPL ID Season 9