Ipinakita ni Renz “Renzio” Cadua sa lahat kung gaano kalakas si Masha sa kasalukuyang meta.

Naging matagumpay ang Smart Omega sa play-ins stage ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 9 (MPL PH Seson 9), kung saan pinatalsik nila ang ECHO sa isang malinis na 3-0 sweep.

Ibinigay ng lahat nang miyembro ng Omega squad ang lahat nang kanilang makakaya, ngunit natatangi ang ipinakita ni Renzio sa malahalimaw na performance ng kanyang  Masha sa ikalawang game, kung saan nakuha niya ang MVP award na may 8/2/6 KDA.

MVP performance ni Renzio gamit ang kanyang Masha sa MPL PH Seson 9

Dragon Tamer Dragon Armor Masha
Credit: Moonton

Pinag-aagawan na ngayon si Masha sa competitive scene matapos niyang makatnggap ng ilang buffs sa patch 1.6.66.

Sa drafting phase, kinuha siya ng Smart Omega sa ikalawang bahagi ng draft, na isang sugal laban sa long-range lineup ng ECHO na may Xavier at Beatrix.

Medyo nahirapan si Renzio laban sa Paquito ni Frediemar “3MarTzy” Serafico sa laning phase, ngunit hindi siya umatras at nag-farm hanggang sa mabuo niya ang kanyang War Axe.

Nang magkaroon na siya ng War Axe, nagsimula nang magigay si Masha ng pressure sa ibang lanes, kung kaya’t napilitan ang ECHO na dumepensa sa mga turrets at iwan ang mga objectives.

Ang pag-split push ni Masha ay nangahulugan na si 3MarTzy, ang main frontline ng ECHO para sa game na ito, ay napilitang tapatan siya sa lahat nang oras, na nagbigay ng pagkakataon sa Smart Omega na ma-control ang mapa.

Nakuha nila ang pinakamalaki nilang break sa 23 minute mark matapos nilang mapitas si 3MarTzy malapit sa midlane. Nang mawala ang main front ng ECHO, agad na nagpunta ang Omega sa Evolved Lord.

Habang nagmamartsa ang Lord sa midlane papunta sa nakabukas na base ng ECHO, naghintay si Renzio sa side lane, umaasang gelatin ang backline ng ECHO. Naganap ang team fight bago pa sugurin ng Lord ang base. Hindi siya nawalan ng focus at hinintay ang kanyang mga team mates na magsaayos ng kanilang mga ultimates.

Nang magawa ng team ang kanilang combo, nagawa ni Renzio na magpakawala ng critical hit sa lahat nang limang miyembro ng ECHO, na ngbigay sa kanya ng unang Savage ng kanyang career ilang Segundo bago bitawan ng Lord ang huling bira sa base.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.