Hindi madaling makaakyat ng Mythic rank sa Mobile Legends at mas lalong mahirap tumapat sa mga manlalaro habang tumataas ang Mythic points. Pukpukan ang mga laban sa tier na ito dahil bukod sa magilas ang mechanical skills ng players dito, mahusay din ang kanilang pick priority ng heroes.

Kung isa kang casual gamer na nais makarating sa rank na ito, mainam na may ideya ka kung ano ang mga heroes na may mataas na win rates. Maaari ito maging magandang reperensiya sa mga RG na sasalihan mo kung saan puwede mo itong i-priority pick sa draft o ‘di kaya naman ay i-ban ng sa gayon ay hindi mahawakan ng kalaban.

Anu-ano ba ang mga heroes na may mataas na win rates sa Mythic 400+ rank ngayong Mayo?


Listahan ng MLBB heroes na may mataas na win rates sa Mythic 400+ points

Masha

Credit: Moonton

Simula ng pagulungin ang patch 1.6.66 noong huling linggo ng Marso, malaki ang pinagbago ng tadhana ng mga Masha users. Naging mas flexible ang hero na maaring gamitin bilang roamer, EXP laner o jungler pa minsan. 

Kaya nga noong napansin ito ng Moonton ay naglabas sila agad ng emergency nerf sa Wild-oats Fist na mas pinaigting ng patch 1.6.72 para mabalanse ang abilities ng hero.

Gayunpaman, hindi ito napigilan ang presensiya ng hero sa competitive scene at RG. Bagamat hindi kasama sa mga pinakapopular na picks sa Mythic 400+, isa ang Masha sa mga heroes na may mataas na win rates sa nasabing tier na may 64.49%.

Karugtong nito, tumuntong sa 9.31% ang kaniyang ban rate, mababa kung ikukumpara sa ibang heroes na nasa listahang ito. Ibig lamang sabihin nito ay malaki pa rin ambag ng hero sa strats at rotation na mayroon sa level kahit pa mas priority dapat ang heroes na Valentina at Wanwan kung susundin ang competitive scene.


Valentina

Credit: Moonton

Pangalawa sa listhan ng heroes na may mataas na win rates sa Mythic rank ang Valentina, at walang duda kung bakit ganito na lamang ang epekto ng hero sa meta ngayon. Sa sobrang imbalance ng hero ay mapapansin na priority ban ito sa competitive scene kung saan madalas na nakikita ito sa first phase ban ng drafting.

Sa RG eksena, 62.84% ang win rate nito, pangalawa sa pinakamataas sa listahan. Hindi rin kataka-taka kung bakit 89.37% ang ban rate sa hero (most banned hero sa RG ngayon) dahil sa mga pagkakataong lumalabas ang Valentina, madalas na nakalista na ang tadhana ng mga kalaban. Ito ay totoo lalo na kung magilas na mage or EXP user ang makakahawak sa kaniya.

Ling

Credit: Moonton

Naglaro sa pangalawa at pangatlo ang Ling sa MLBB heroes na may mataas na win rates sa Mythic. Kahit pa hindi kasing popular ng mga heroes tulad ng Karina at Baxia sa MPL PH eksena noong nakraan ay malaki pa rin ang ambag ng assassin sa RG rotation ngayon kung saan mayroon siyang 62.25% win rate.

Kung hawak ng isang mechanically-gifted na player, mahirap mapurnada ang rotation na may Ling lalo pa at may kaunting adjustment na ibinigay sa kaniya pagdako ng MLBB patch 1.6.66. Sa naturang patch, mas mataas na ang damage niya kahit hindi tumalon mula sa mga pader gamit ang Finch Poise.

Mas mataas na din kasi ang damage base ng kaniyang second skill na Defiant Sword at kung magagamit ng tama ang Tempest of Blades ay kaya nitong pababain ang cooldown ng unang dalawang skill.

Bukod sa mga naunang mga karakter, kasama din ang Yve, Grock at Lolita sa mga heroes na may mataas na win rates sa high rank.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa MLBB hero guides at marami pang iba.

BASAHIN: 3 hero na pang-counter sa Tank Karina