Ang roamers ang sandigan ng bawat koponan sa Mobile Legends: Bang Bang na trumatrabaho para buksan ang plays at siguraduhin ang kaligtasan ng lahat sa mga labanan.

Sa professional play, madalas na sila ang shotcallers sa laro na nagunguna sa strategy na papaganahingayundin sa mga kritikal na desisyon sa laban.

Sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports, nagsalita ang beteranong roamer ng HomeBois na si Mohammad “Xorn” Noor tungkol  sa isang mahalagang skill na dapat mayroon ang isang roamer para umangat ang kaniyang play at tulungan ang kaniyang team na dominahin ang laro.



Xorn ng HomeBois inilahad ang pinakamahalagang skill na dapat mayroon ang isang roamer sa MLBB

MLBB Xorn
Credit: ONE Esports, MPL Malaysia

Sa bumunsod na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), ibinahagi ni Xorn ang kaniyang opinyon ukol sa kung ano ang kaibahan ng isang ordinaryong roamer sa isang ekspertong player sa possiyon na ito.

Aniya, ang galing sa shot calling at map awareness ay napakahalaga sa role, at binigyang-diin na primera talaga ang map reading dito.

“Reading the map is important because we always need to be in the right place at the right time,” banggit ng Malaysian. “If we’re not positioned correctly, the team may struggle with rotations.”

Ipinunto din niya na ang roamers na kumikiling sa tank heroes ang makakakuha ng pinakamalaking benepisyo mula sa paghubog ng skill na ito. 

Mobile Legends: Bang Bang fighter Chou wallpaper
Credit: Moonton Games

Ang trabaho ng isang position five player ay buksan ang team fights. Sa proseso, mahalagang kabisado nila ang kanilang positioning. Gayunpaman, malaking hamon ito dahil mabilis na mawala sa vision ang mga kalaban sa mapa.

Kaya naman, may mga pagkakataong nahuhuli ang team sa sorpresaong counter-attack o di kaya naman ay ambush mula sa kalaban.

“The current meta is kind of an advantage for me because I like to play tank heroes,” dagdag niya.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Eksklusibo: Mga hero na dapat gamitin upang maghari sa EXP lane ayon kay AP Bren FlapTzy