May extra motivation ang kontrobersyal na gold laner ng Smart Omega na si Duane “Kelra” Pillas sa kanilang elimination match kontra ECHO sa MPL Philippines Season 9 playoffs.

Kaya naman matapos niyang tulungan ang Omega na i-sweep ang ECHO sa iskor na 3-0, nagmuwestra ng mapang-asar na selebrasyon ang MVP ng MSC 2021.


Pang-aasar ni Kelra pambawi umano kay Yawi

Kelra
Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Kuhang-kuha sa camera ang pang-aasar ni Kelra sa panig ng ECHO matapos ilista ng Omega ang 3-0 sweep sa opening series ng MPL PH Season 9 playoffs.

Makailang-ulit inarte ng 17-year-old player ang pag-iyak, na isa sa mga gesture na ginagawa ni ECHO roamer Tristan “Yawi” Cabrera kapag nananalo sila noong regular season, kabilang na ang kanilang dalawang 2-0 panalo laban sa Omega.

Gumawa rin ng 3-0 hand sign ang batang gold laner ng OMG habang bakas sa mukha at kilos nila Yawi at kanyang mga kakampi ang pagdismaya at kalungkutan dahil sa pagkatalong hindi inasahan ng mga fans.

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Paliwanag naman ni Kelra, ang kanyang pang-aasar ay nakatuon lamang kay Yawi, na sa wakas ay nabawian niya sa pangta-trashtalk umano nito sa kanya.

“Para po kay Yawi ‘yung pagse-celebrate ko kasi po noong regular season lagi niya akong tina-trashtalk pati na rin sa mga RG (ranked games) kapag nakakalaban ko sila,” saad niya.

“Sakto lang po ‘yun kasi po naipon na ‘yung galit ko. ‘Di na ako nakabawi sa kanila eh,” dagdag pa niya.

Bago naman nito, pinakita ni Kelra na hindi lang siya puro pangto-taunt sa mga kalaban dahil naging susi ang kanyang Wanwan sa comeback win ng Omega sa Game 1.

Credit: MPL Philippines

Malaki ulit ang ginampanan ng kanyang Wanwan sa Game 2 maging ng kanyang Lunox sa Game 3 upang makuha ng OMG ang matamis na sweep.

Pahayag niya sa kanyang performance sa unang araw ng playoffs lalo na sa Wanwan na ayon sa kanya ay nasa 40 hanggang 50 matches niya pa lang nalalaro: “Ganun po talaga, nagbabago lahat ‘pag playoffs na.”

Ayon naman kay ECHO jungler Karl “KarlTzy” Nepomuceno, walang kaso sa kanila ang ginawang selebrasyon ni Kelra.

“Okay lang sa’min kasi kung kami ‘yung nanalo gaganunin din namin sila eh. ‘Yun nga lang, kami ‘yung natalo,” sabi niya.


Umarangkada sila Kelra at Omega sa best-of-five upper bracket semifinals bukas kung saan babanggain nila ang second seed na TNC Pro Team.

Maaari niyong i-like at I-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para manatiling updated sa mga kaganapan sa MPL PH Season 9 playoffs.