Pinangibabawan ng RSG PH ang Mobile Legends: Bang Bang Philippines (MPL PH) Season 9 playoffs power rankings ni Renmar Sta. Cruz, isa sa mga analysts ng liga.

Gaya kung paano nila sinelyo ang tugatog ng standings noong regular season, nanindigan si Renmar na sa paparating na playoffs, wala nang iba pang dapat paglagyan ang Raiders kung hindi ang tuktok.

Bukod sa pagbahagi ng playoffs power rankings ni Renmar, ipinagkumpara niya rin ang ginawa niyang power ranking bago magsimula ang liga sa isang panayam sa ONE Esports.

Ang pre-season power rankings ni Renmar

MPL PH S9 playoffs power rankings ni Renmar: RSG PH nangingibabaw
Credit: MPL Philippines, ONE Esports

Sa kanyang personal na power rankings bago magsimula ang ika-siyam na season ng liga, matatandaang inilagay ni Renmar ang RSG PH sa ika-apat na puwesto. 

PRE-SEASON POWER RANKINGKOPONAN
1Blacklist International
2Nexplay EVOS
3ONIC Philippines
4RSG PH
5Smart Omega
6Bren Esports
7ECHO
8TNC Pro Team

Bagamat alam niyang magpapamalas din ng husay ang koponan kalaunan, inamin niyang nasurpresa siya nang tapusin nila ang kampanya sa regular season bilang top seed.

Bilib na bilib si Renmar sa naging performance ng dalawang sophomore na sina Nathanael “Nathzz” Estrologo at Eman “Emann” Sangco. Bukod pa sa dalawa, nagsilbing susi rin daw sa tinamasang tagumpay ng Raiders ang pagpapakitang-gilas nina Dylan “Light” Catipon, na pinarangalan bilang regular season MVP, Arvie “Aqua” Antonio, at Jonard “Demonkite” Caranto.

“Fundamentally solid talaga sila. At ganun na rin for the entire RSG team. Whatever they’re doing behind the scenes, gana talaga in game,” paliwanag ni Renmar.


Ang playoffs power rankings ni Renmar

MPL PH S9 playoffs power rankings ni Renmar: RSG PH nangingibabaw
Credit: MPL Philippines
PLAYOFF POWER RANKINGTEAM
1RSG PH
2TNC Pro Team
3Smart Omega
4ONIC PH
5Nexplay EVOS
6ECHO

Sementado man na para sa RSG PH at TNC Pro Team ang unang dalawang spot sa playoffs power rankings ni Renmar, mas madali naman daw pagpalit-palitin ang puwestuhan ng mga natitirang koponan.

Gayunpaman, hinimay ng tanyag na analysts sa apat na dahilan kung bakit ganito ang naging kinalabasan ng kanyang power rankings:

MPL PH S9 playoffs power rankings ni Renmar: RSG PH nangingibabaw
Credit: MPL Philippines

Kapansin-pansin din ang pagbaba ng Nexplay EVOS sa playoffs power rankings ni Renmar, kung ikukumpara sa kanyang pre-season power rankings. Ito raw ay dahil mahirap balansihin at i-execute ang kilalang 10-man rotation strategy ng koponan.

“Actually commendable na nakaabot sila sa 4th spot. Pero double edged sword talaga yung strat nila. When it’s good, it’s very good. When it’s bad, dun na galing yung inconsistencies,” dagdag niya.

Kung magiging consistent daw ang tropa nina John Paul “H2wo” Salonga ano man ang maging lineup nila, dapat nang katakutan ng liga ang Nexplay EVOS.


Gaganapin ang MPL PH S9 playoffs simula ika-28 ng Abril hanggang ika-isa ng Mayo.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Playoff Power Rankings ni Wolf: Ito ang tantiya ng analyst tungkol sa MPL PH S9 postseason