Magkahalong veteran experience ni Mark Jayson “Eson” Gerardo at rookie superpower ni Kent Xavier “KEVIER” Lopez ang aasahan ng Blacklist Interantional kasabay ng pagsasapinal ng kanilang lineup para sa paparating na MPL Philippines Season 9.

Kasunod ito ng anunsyo ng MPL PH S9 roster ng Blacklist na inilabas sa social media pages ng team na susubukang iuwi ang ikatlo nilang magkakasunod na kampyonato.

Kasama nina ESON at KEVIER, sasandal ang M3 World Champions sa kanilang solidong laners na sina Kiel “OHEB” Soriano sa gold lane, Edward Jay “Edward.” Dapadap sa EXP lane at Salic “HAD JI” Imam sa midlane.

Sa kabila ng hamong kinakaharap ng Blacklist kaugnay ng pagpapahinga muna ng V33Wise duo mula sa competitive scene, tiwala ang koponan sa kakayahan ng bago nilang player at ng kanilang mainstays.

Credit: Moonton

Nauna ng nagpahayag ng kumpiyansa ang Blacklist coach na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza sa kakayahan ng MPL PH S9 roster ng Blacklist. “Never kami nagkamali ni Dex sa pagpili ng player,” ani ng coach sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports Philippines.

Matapos iselyo ang M3 World Championship noong Disyembre ng nakaraang taon, sisikapin naman ng MPL PH S9 roster ng Blacklist na sakyan ang momentum na ito sa likod ng dekorado nilang players na natira sa roster.

Mababalikan na noong MPL PH Season 7, hinirang na MVP si Edward, na parehong nakamit ni Hadji noong Season 8. At sa katatapos lang na M3, si OHEB naman ang kinoronahan ng nasabing award.


MPL PH S9 roster ng Blacklist International

Credit: Moonton
  • Mark Jayson “ESON” Gerardo
  • Kent Xavier “KEVIER” Lopez
  • Dexter “DEX STAR” Alaba
  • Edward Jay “Edward.” Dapadap
  • Kiel “OHEB” Soriano
  • Salic “HAD JI” Imam

Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL PH Season 9 sa pamamagitan ng pagsunod sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Coach Yeb sa pananatiling buo ng ONIC PH roster para sa S9: ‘We have a solid foundation’