Live na ang latest collaboration ng Mobile Legends: Bang Bang at sikat na movie franchise na Kung Fu Panda!

Hatid ng MLBB Kung Fu Panda skin collaboration ang tatlong eksklusibong skins na hango mula sa mga karakter ng pelikula gaya na lang ng General Kai Thamuz, Kung Fu Panda Akai, at Lord Shen Ling.

Available din ang ibang rewards gaya ng avatar border, recall, at iba pang in-game cosmetics para sa mga sasali sa event.

Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman tungkol sa MLBB Kung Fu Panda skin collaboration event.

Release date at iba pang rewards ng MLBB Kung Fu Panda skin

MLBB Kung Fu Panda skins: Petsa, mechanics, paano makuha
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Nagsimula noong ika-20 ng Agosto ang event. Gaya ng naunang Transformers at Star Wars events, magkakaroon ng bagong in-game events tab sa home page ng laro para sa naturang collaboration.

Para makakuha ng skins, kailangang mangolekta ng mga manlalaro ng jade ornaments. Maaaring ipapalit ang mga ito para sa mapipili nilang skin. Makakakuha lang ng jade ornaments mula sa draw, na maaaring bilhin sa pamamagitan ng diamonds.

Garantisado ang General Kai Thamuz skin sa unang sampung bunot.

Nagkakahalaga naman ng 800 jade ornaments ang bawat Kung Fu Panda skin.

Bukod sa eksklusibong skins, tampok din sa event ang iba pang rewards gaya na lang ng recall, killing notification, spawn, at emotes. May kanya-kanya ring custom actions ang bawat tatlong skins.



Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Babaguhin ng magic sentry ang pag-facecheck ng jungle sa MLBB