Isa sa mga kilalang players sa Indonesian Mobile Legends: Bang Bang scene ang beteranong EXP laner ng RRQ na si Muhammad “Lemon” Ikhsan.

Nakailang tagumpay sa kaniyang career ang 24-year-old pro na ito, tulad ng tatlong championships sa MPL Indonesia, isang runner-up finish sa M1 World Championship at MLBB Southeast Asia Cup 2019.

Bukod pa sa kanyang mga parangal pagdating sa laro, matagumpay din ang kanyang buhay sa labas ng Mobile Legends.



Nakuha ng personal drink ni RRQ Lemon ang atensyon ng isang CEO ng food at beverage company

MLBB RRQ Lemon
Credit: MSC

Gawa ni RRQ Lemon ang kaniyang kakaibang inumin, na iniinom niya habang lumalahok sa mga Mobile Legends matches.

Tinatawag na “The Lemon Drink,” ibinunyag niya ang kaniyang produkto sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng isang game-based filter sa Instagram kung saan mayroon siyang 3.4 million followers.

Hinamon niya sila na kumolekta ng lemons sa laro, at ang fan na may pinakamaraming naipon ay magkakaroon ng oportunidad na malasahan ang kaniyang secret drink.

Nakuha ng kaniyang gimmick na ito ang interes ni Gufron Syarif, founder at CEO ng Haus!, isang food and beverage na kompaniya. Ipinahayag niya ang kaniyang kagustuhan na isama ang inumin sa kanilang stores.

Matapos nito, nagsimula ang kolaborasiyon kasama ang MLBB pro player, para mabili ang recipe sa halagang 1 billion Indonesian Rupiah (US$65,000 o mahigit PHP3.7 milyon).

MLBB RRQ Lemon The Lemon Drink
Credit: Haus!

“This drink feels very personal to me because it has been a part of my journey in the esports industry. Wishing my collaboration and Haus! to be successful,” saad ni Lemon.

Paliwanag niya na ang kanyang recipe ay may kasariwaan ng naturang citrus fruit na hinaluan Yakult, isang Japanese probiotic milk drink.

Simula August 5, available na ang The Lemon Drink sa lahat ng Haus! outlets sa Indonesia. Maari kang pumili sa dalawang options nila: ang Lemon Tea Yakult at Fresh Lemon Tea.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Dlar free agent na matapos pakawalan ng EVOS Legends