Opisyal nang inanunsyo ang roster ng Smart Omega para sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) at kabilang pa rin dito ang beteranong si Patrick “E2MAX” Caidic.

Matatandaang nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagreretiro ni E2MAX ilang linggo matapos ang kanilang kampanya sa MLBB Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022). Hindi pa nga sila kabilang ni Joshua “Ch4knu” Mangilog sa isinabak na roster ng Smart Omega sa qualifier para sa 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF).

Pero aniya, nagbago raw ang kanyang isip dahil sa nangyari sa ONIC Philippines, kung saan sunod-sunod na lumisan ang mga players nito para maghanap ng malilipatang organisasyon.

E2MAX tampok pa rin sa roster ng Smart Omega para sa MPL PH S10
Credit: ONE Esports

“Noong nakita ko ‘yung mga post nila (ex-ONIC PH players), parang naisip ko bigla na, swerte pa pala ako kasi ako may org… nalalaro mo ‘yung gusto mong gawin, ‘yung passion mo pinagkakakitaan mo pa,” paliwanag ni E2MAX.

Ito na ang ikawalong season ng 25-taong-gulang na midlaner sa liga simula noong sumali ito sa Execration noong MPL PH Season 3.

Roster ng Smart Omega para sa MPL PH Season 10

E2MAX tampok pa rin sa roster ng Smart Omega para sa MPL PH S10
Credit: Smart Omega ML
  • Patrick James “E2MAX” Caidic (Mid/Captain)
  • Kiel VJ “Kielvj” Cruzem (Mid)
  • Grant Duanne “Kelra” Pillas (Gold Lane)
  • Joshua “Ch4knu” Mangilog (Roam)
  • Deomark “Mikko” Tabangay (Roam)
  • Billy Jazha “Z4pnu” Alfonso (Roam/EXP Lane)
  • Renz Errol “Renzio” Cadua (EXP Lane)
  • Dean Christian “Raizen” Sumagui (Jungler)

Isang rookie lang ang nadagdag sa roster ng Smart Omega, ang roamer na si Mikko. Galing ang manlalaro sa Omega Academy, ang development program ng organisasyon para sa mga amateur players. Nagsilbi rin bilang coach ng Omega Empress ang manlalaro na nagbunga ng tatlong sunod-sunod na kampeonato para sa koponan.

Samantala, natuldukan na rin ang mga agam-agam patungkol sa paglipat ni Kelra sa Indonesia. Matatandaang muling nagbigyang-buhay ang paksa nang kumpirmahin ni Z4pnu na may organisasyong nago-offer ng six-digit salary para sa ‘Filipino Savage’.

Matatagpuan naman ang kumpletong listahan ng mga roster change sa MPL PH Season 10 dito.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: SIBOL: ‘Patunay ang naganap na IESF qualifier sa husay ng Pinoy MLBB teams’