Pumasok na sa South American region ang isa sa pinakamalaking esports organization sa Indonesia.

Kumuha ang RRQ ng MLBB team sa Brazil, ang RRQ Akira, para isabak sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Brazil (MPL BR) Season 2.


RRQ Akira sasabak sa MPL Brazil Season 2

RRQ kumuha ng MLBB team sa Brazil, binuo ang RRQ Akira para sa MPL BR Season 2
Credit: Team RRQ

Unang inilathala ng Team RRQ ang balita sa kanilang Instagram page. Kinuha nila ang karamihan sa mga player ng MPL BR Season 1 runner-up na Keyd Stars.

“Give them your support, so they can take RRQ to new stages on the international stage. Welcome to the family RRQ Akira, we can do this,” sulat nila.

Bukod sa pagiging second-placer ng kauna-unahang MPL ng rehiyon, naging kinaawan din ang Keyd Stars sa M3 World Championship noong nakaraang taon kasama ang Red Canids.

RRQ kumuha ng MLBB team sa Brazil, binuo ang RRQ Akira para sa MPL BR Season 2
Credit: Moonton

Ito ang unang beses na ang isang major esports organization mula sa Southeast Asia ay kumuha ng MLBB team sa LATAM region.


Ang paglago ng MLBB sa mga rehiyon sa labas ng SEA

RRQ kumuha ng MLBB team sa Brazil, binuo ang RRQ Akira para sa MPL BR Season 2
Credit: MPL Brazil

Sikat ang Team RRQ dahil sa kanilang tanyag na MLBB team sa Indonesia, ang RRQ Hoshi, ang tanging koponan na nakapagmay-ari ng tatlong MPL championships.

Ang pagkakatatag ng RRQ Akira ay hudyat sa mabilis na paglago ng esports scene ng MLBB hindi lang sa loob ng SEA kung hindi pati na rin sa ibang rehiyon.

Idagdag pa ang pagkuha ng NAVI sa Deus Vult bago magsimula ang M3 World Championship.


Roster ng RRQ Akira sa MPL BR Season 2

PLAYERROLE
Luiz Henrique “Luiizz” AlvesRoamer
Lucas Felipe “Kiing” GodoyJungle
Arthur “Tekashi” NascimentoEXP lane
Gabriel “Blink” FavoretoSub
SeigenMidlane
GustalagustaGold lane

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: