Patuloy ang roster shuffle papasok sa ika-10 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) at ang pinakahuling entry ay mula sa Nexplay EVOS.

Inanunsyo ng koponan ang pakikipaghiwalay nila ng landas kay Rainiel “Ureshiii” Logronio, ang rookie EXP Laner nila noong nakaraang season. Pinasalamatan ng organisasyon ang 19-taong-gulang na manlalaro habang sinasariwa ang mga napagtagumpayan nito sa ilalim ng kanilang pangangalaga.

“There’s no doubt that you are one of the most promising Esports athletes in the MLBB Philippines professional scene today. Your Nexplay family is proud to be part of your entry into the big league,” batid ng Nexplay EVOS.

Ang kampanya ni Ureshiii sa ilalim ng Nexplay EVOS

Ureshiii out na sa Nexplay EVOS
Credit: Nexplay Esports

Isa si Ureshiii sa limang rookies na ni-recruit ng Nexplay EVOS noong nagdaang season. Kahalinhinan niya sa EXP Lane ang dalawang beterano sa larangan na sina Renejay “RENEJAY” Barcarse at ang nagbalik-pro scene na si Jeff “S4gitnu” Subang.

Tampok sa naging kampanya ng koponan ang ipinamalas niyang performance nang matuloy ang bakbakan nila kontra ECHO noong huling araw ng regular season. Hinirang siya bilang MVP ng serye matapos nilang walisin ang binasagang “super team” gamit ang Dyrroth at Esmeralda.

Bagamat natuldukan sa 5th-6th place ang kampanya ng Nexplay EVOS matapos mabigo kontra ONIC Philippines sa play-ins, nagpatuloy ang pagpapakitang-gilas ni Ureshiii sa national MLBB team selection para sa 31st Southeast Asian Games.

Ureshiii out na sa Nexplay EVOS
Screenshot ni Calvin Trilles/ONE Esports

Naka-abot ng grand final ang koponan, ngunit bigo itong malampasan ang Blacklist International, na kalauna’y nag-uwi ng gintong medalya para sa Pilipinas.

Samantala, nakatakda pang ianunsyo kung may lilipatang koponan si Ureshiii o kung sino ang papalit sa iniwan niyang puwesto sa Nexplay EVOS.

Matatagpuan ang kumpletong listahan ng roster changes papasok sa MPL PH Season 10 dito.


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: ONIC PH kinumpirmang sasabak pa rin sa MPL PH Season 10