Nagbalik ang PUBG Nations Cup sa siyudad ng Seoul para sa ikatlong edisyon nito — at sinungkit South Korean team ang kampeonato sa harap ng kanilang home crowd.

Binubuo ang champion squad sa PNC 2023 nina Giyeol “seoul” Cho, Heejoo “Inonix” Na, Jungyoung “Loki” Park, Taesung “Heaven” Kim, at coach Myounggwan “ssonic” Shin. Nakuha nila ang pinakamalaking parte ng US$300,000 o halos PHP170 milyong prize pool.

Kinilala bilang Most Valuable Player si seoul matapos kumamada ng 34 kills. Nailista naman ng South Korea ang tatlong overall round firsts at ang sumatotal na 106 kills — mas mataas nang mahigit 10 sa kahit sinong koponan, at mas mataas nang 15 sa second-placed team na United Kingdom, ang kampeon ng noong nakaraang taon.

Ang kanilang 172 points ay bunga ng kanilang kamangha-manghang consistency kung saan nagtapos sila sa Top 3 sa walo mula sa 18 rounds na nilaro.

Total leaderboard sa PNC 2023
Credit: Krafton Inc.


Bagong mapa na City of Glory ipinasilip sa PNC 2023

Itinampok sa torneo ang Vikendi, na nag-debut sa PUBG esports events, maging ang Blizzard Zone at Sandstorm weather effects na malaki ang naging impact sa mga laban.

Ipinalabas din ng Krafton ang isang teaser trailer para sa ika-10 mapa ng PUBG na pinangalanang City of Glory.

Mula sa pasilip na temang oriental, ang bagong mapa ay maaaring nakatakda sa East at gabi. Ilalahad ang mas marami pang detalye patungkol dito bago ito tuluyang ilabas.



Magbabalik ang PUBG Esports sa Thailand kung saan gaganapin ang PUBG Global Champions 2023 na nakataktadang ganapin mula ika-18 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre.

BASAHIN: Soniqs tagumpay sa PUBG Global Series 2