Unang na-leak ang bagong Valorant roster ng North American organization na FaZe Clan sa official tournament page ng Battlefy.

Ang unannounced lineup ng FaZe Clan ay nakalista sa team registry ng website para sa VCT NA Stage 1 Challengers qualifiers. Kabilang sa revamped roster ang dating 100 Thieves duelist na si Quan “Dicey” Tran at dating Immortals controller player na si Andres “Shot_UP” Orlowski.

Ang bagong Valorant team ng FaZe Clan

Valorant FaZe Clan Masters 2021 Stage1
Credit: Riot Games NA

Matapos hindi palarin sa VCT 2021 season, nagdesisyon ang FaZe Clan na baguhin ang kanilang Valorant roster. Ang mga dating players  ng team ay nagsilipatan na sa iba’t ibang organizations, si Jimmy “Marved” Nguyen ay napunta sa Team Envy, habang si Shane “Rawkus” Flaherty naman ay naging coach ng Sentinels bago pa maganap ang Valorant Champions tournament.

Ang mga natitirang players sa roster ay nagpasya ring lumipat ng organizations bago pa magsimula ang VCT 2022 season. Si Hunter “BabyJ” Schline ay sumapi na sa 100 Thieves, habang ang dating Overwatch pro player na si Corey Nigra ay pumirma na sa TSM.

Dahil dito ay naiwan ang star player ng FaZe Clan na si Andrej “baybay” Francisty bilang natititrang player sa roster.

Sa simula ng offseason ay nagsimula ang North American organization na sumubok ng mga free agents. Bagama’t walang opisyal na pahayag sa pagsali nina Dicey at ShoT_UP, nakita ang dalawang nagpa-practice kasama si baybay, kasama rin ang dating Teal Seam players na sina Chris “LarryBanks” Doyi at Xavier “flyuh” Carlson.

Kasama rin sa leak ng Battlefy ang dating Counter-Strike veteran player na si Josh “JDM” Marzano bilang bagong coach ng team.

Ang leaked roster ng FaZe Clan

Valorant FaZeClan VCT 2022 Roster leaked
Credit: Battlefy
  • Andrej “babybay” Francisty
  • Quan “Dicey” Tran
  • Andrew “ShoT_UP” Orlowski
  • Chris “LarryBanks” Doyi
  • Xavier “flyuh” Carlson
  • Josh “JDM” Marzano (Coach)

Nagsimulang mag-compete ang FaZe Clan sa VCT NA Stage 1 Challengers qualifiers na nagsimula noong January 27. Ang top 4 teams ay aabante papuntang regular season.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.