Pinalakas ng Sentinels ang kanilang coaching staff sa pamamagitan ng pagkuha ng bagong analyst para sa VCT NA Last Chance Qualifier na gaganapin sa susunod na buwan.

Sasamahan ni stats guru Matt “Weltis” Liu si head coach Shane “Rawkus” Flaherty upang ihanda ang retooled roster sa darating na LCQ.

Ang signing ni Weltis ay nangyari isang buwan pagkatapos ihayag ng organisasyon na naghahanap sila ng dalawang strategic analyst.

Lahat ng mata ay siguradong nakatutok sa Sentinels sa kanilang tangkang makapasok sa Valorant Champions 2022 matapos ang kanilang pasabog na pag-recruit kay Michael “Shroud” Grzesiek at dating Version 1 player Jordan “Zellsis” Montemurro.


Sumapi si Weltis sa Sentinels bilang analyst

TenZ at Shroud ng Sentinels
Credit: Riot Games, Sentinels, Shroud

Si Weltis ay source ng ilang eye-opening statistics sa VCT sa mga nakalipas na buwan. Mula sa graphs na nagbibigay-linaw sa team performances sa specific scenarios hanggang sa mga panibagong paraan ng pag-interpret sa player value, naging mainstay na si Weltis sa mga Valorant stats guru.

Sa group stage ng Masters Copenhagen, nag-tease siya ng bagong statistic na kung tawagin ay “true” first kill, na nangangahulugan na isang opening kill na hindi na-trade sa loob ng tatlong segundo at nagreresulta sa totoong bentahe.

Noong mga panahong iyon, ang mga manlalarong pinakamataas na nakaranggo sa naturang stat ay sina Kim “Meteor” Tae-O ng Northeption, Goo “Rb” Sang-min ng DRX at Thanachart “Surf” Rungapajaratkul ng XERXIA Esports.

Surf Chamber
Credit: Riot Games, ONE Esports

Kakailanganin ng Sentinels ang lahat ng tulong na pwede nilang makuha. At sa isang stream nga kamakailan, tinawag ni Shahzeb “ShahZaM” Khan si Weltis na “secret weapon”.

Hindi nakadalo ang koponan sa parehong Masters tournaments ngayong taon at lumubog sa 0-5 sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage kung saan isang mapa lang ang naipanalo nila, laban sa dating roster ng Luminosity Gaming.

Naglaro rin ang koponan ng tatlong matches na wala si Hunter “SicK” Mims habang na-miss naman si star player Tyson “TenZ” Ngo ang Week 3 match kontra OpTic Gaming dahil sa tinamaan siya ng COVID-19.

Naka-bootcamp ngayon ang Sentinels sa Texas upang itono ang kanilang laro. Kasi nga naman, magiging mahigpit ang kompetisyon sa VCT NA LCQ na itatampok ang The Guard, Cloud9, 100 Thieves, NRG Esports at iba pang koponan, pero isa lang ang makakausad sa Valorant Champions.

Para sa Valorant updates, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Galing ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.