Noong unang lumabas ang Valorant noong 2020, maraming organisasyon ang pinili na punan ang kanilang mga roster ng mga dating CS:GO talents, kasabay ng maraming players na lumilipat mula sa tactical shooter ng Valve.
Bagama’t ilan sa mga rosters na ito ay kinalauna’y nakahanap ng tagumpay, marami rin ang hindi. Ang unang lumabas na roster ng T1 ay isang lineup na binubuo ng mga sikat na pangalan mula sa CS:GO, kabilang sina Braxton “brax” Pierce, Tyler “Skadoodle” Latham, Keven “AZK” Larivière, and Sam “DaZeD” Marine. Sa kasamaang-palad, nahirapan pa rin ang team na maging matagumpay sa shooter ng Riot Games.
Sa isang interview ng esports journalist at analyst na si Duncan “Thorin” Shields sa Daring Minds, nagsalita ang T1 in-game leader na si Joshua “steel” Nissan tungkol sa pagkakaiba ng dalawang games at kung bakit nahihirapan ang iba.
Dapat maunawaan ng mga Valorant players na ibang laro ito

Ang Counter-Strike experience ay naging mahalaga noong simula ng Valorant dahil sa pagkakapareho ng maraming fundamentals – tulad ng pag-clear ng corners at kung paano ang diskarte sa mga man-advantage situations – mahalaga pa rin ito sa dalawang laro, ngunit maaaring bumaba ang halaga nito habang nagma-mature ang game.
“But Valorant’s not just a reskinned version of CS,” sabi steel. Ang mga iba’t ibang abilities sa game, pati na yung mga nagri-reveal ng enemy locations sa likod ng mga walls, ay nangangahulugan na kailangan ng mga players na malaman kung anong positions ang pwedeng gamitin.
Iba rin ang mga flashes, sabi ni steel. Habang ang mga players ay pwede lang tumalikod mula sa mga flashes sa CS:GO para hindi mabulag, hindi ito pwede sa ibang flashes sa Valorant. Halimbawa na lang ay ang Paranoia flash ni Omen, maliban na lang kung sa ibang lugar ka nakatayo.
“A lot of CS players couldn’t figure out that it’s a new game and you can’t play it exactly the same,” sabi ni steel.
“We’re now getting to the point where everyone that’s been playing Valorant since beta is probably going to have a leg up on players who want to transition now from CS.”
Ito ay dahil sa patuloy na pagbabago ng meta sa Valroant, na nagpapabago rin ng bilis ng takbo ng game. Pinabagal ng Astra meta ang mga rounds, ngunit ngayong wala na sa meta si Astra, muli nang bibilis ang mga bagay-bagay habang ang mga players ay gumagamit ng Yoru, Neon, at Breach, sabi ni steel.
Umiikot lang ang proseso ng pagpapalit ng meta sa game. “It was fast-paced, then it was really slow. Then it was like middle speed and then it was fast again,” sabi ni steel.
Ang mga players na mas matagal nang naglalaro ay merong experience sa mas maraming agent compositions, at magiging mas madali at mabilis para sa kanila ang mag-adapt sa pagbabago ng meta, paliwanag ng T1 IGL.
Kailan lang ay mas pinalakas ng T1 ang kanilang roster sa pamamagitan ng pagkuha kay Son “xeta” Seon-ho mula sa Cloud9. Bagama’t hindi na sila kasali sa 2022 season ng VCT, maaaring sumali sa mga mas maliliit na tournaments ang team para sa mga nalalabing buwan ng taon habang naghahanda para sa bagong partnership model ng Riot sa 2023.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.