Patuloy ang struggle ng TSM Valorant roster sa North American region, matapos mabigo sa dalawang open qualifiers para sa VCT NA Stage 1 Challengers. Ibig sabihin nito, hindi sila makakasali sa VCT circuit hanggang magbukas ang Stage 2 Challengers sa Mayo.

Dahil dito, ipinadaan ni Dominic Kallas, ang Vice President of Esports ng TSM, sa Twitter ang pag-amin sa pangangailangan nila sa mga pagbabago, na maaaring hudyat sa muli nilang pagpapalit ng roster.

Maaaring mapalitan muli ang TSM Valorant roster para sa VCT NA 2022

Mukang magbabago nanaman ang TSM Valorant roster pagkatapos ng VCT NA Stage 1 Challengers
Credit: TSM

Maraming kailangan magbago sa loob ng team para maabot nito ang standard na sinet mismo ng TSM para sa kanila, ayon kay Kallas.

Binigay na rin sa General Manager ng TSM ang kapangyarihan para mapagdesisyunan kung sino ang “talented, motivated, coachable, and overall the best fit for the team going forward.” Ayon kay Kalaas, ito raw ay isang methodical “process”, at posibleng magbabago muli ang kakabuo lang na TSM Valorant roster.

‘Pag natapos na ang pagbuo sa kanilang roster, ang Valorant team ng TSM ay lilipat sa Austin, Texas, para mapabuti ang kanilang teamwork, at ma-set ang expectations pagdating sa practice, work ethic, pati na rin para ma-reset ang kultura.

Plano rin ni Kallas na isabak ang TSM sa lahat ng open event bago ang open qualifiers para sa VCT Stage 2 Challengers. Bagamat may iilan na hindi siniseryoso ang mga turneo sa labas ng VCT, na ika ng ay “Mickey Mouse” tournaments, makatutulong ang mga event na ‘to para makakuha ng experience ang koponan at mabuo ang kanilang chemistry.

Kumpiyansa ang North American organization papasok sa 2022 VCT season matapos makuha ang duelist ng FaZe Clan na si Corey “corey” Nigra at Daniel “Rossy” Abedrabbo noong Enero ng nakaraang taon.

Kaso ng alang, nabigo ang koponan na makapasok sa main event ng VCT Stage 1 Challengers matapos matalo kontra Knights at Akrew noong unang open qualifier. Sinundan ito ng dalawa pang pagkatalo kontra naman Ghost Gaming at Built by Gamers noong ikalawang open qualifiers.

Ang masaklap pa, ang isa sa mga pinakahuli nilang pagkatalo ay mula sa roster ng Built by Gamers kung saan naglalaro ang nakabangkong player ng TSM na si Sean “bang” Bezerra.

Sa ngayon, nangako si Kallas na pananatilihin niyang updated ang komunidad patungkol sa proseso para maisagawa ang mga kailangang pagbabago.

Ang reaksyon ng North American Valorant community sa dinadanas ng TSM

Mukang magbabago nanaman ang TSM Valorant roster pagkatapos ng VCT NA Stage 1 Challengers
Credit: TSM

‘Di nagpapigil ang Valorant fans sa pag-criticize sa eprfomance ng TSM players matapos ang VCT NA Stage 1 Challengers open qualifiers. Gayunpaman, nais ng organisasyon na ibaling ang init palayo sa mga manlalaro, at idiniin na ang kanilang dinadanas ay hindi kasalanan ng isang partikular na indibidwal, kung hindi isang “group failure.”

Dinepensahan din ni Hunter “SicK” Mims ng Sentinels ang karibal nilang squad. Ayon sa kanya hindi makatarungan ang mga natatanggap nilang kritisismo. ‘Di pa kasi talaga subok ang nasabing TSM Valorant roster, at tulad ng sabi ni SicK, ang “brand is the only reason people think it’s deserved criticisms.”

Mukang magbabago nanaman ang TSM Valorant roster pagkatapos ng VCT NA Stage 1 Challengers
Credit: SicK

“The competition is more fierce than ever before, and there was no reason to assume it would be easy for them,” ani SicK. “There are many players and teams out there grinding for the spotlight. [I] think we need to focus more on that, rather than the shortcomings of the bigger names.”

Tampok sa open qualifiers ng VCT NA Stage 1 Challengers ang mga bagong muka at koponan na nakapasok sa main event. Patunay ito na maraming bagong sibol na gigil makatapak sa mas malalaking entablado.

Susubukan muli ng TSM Valorant roster na maka-qualify sa main Challengers event sa VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers, na nakatakdang ganapin bandang Mayo o Hunyo ngayong taon.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Naniniwala si Vanille Velasquez na mahalaga ang representation sa video games – ito ang dahilan kung bakit