Kung pagbabasehan ang mga naunang resulta ng VCT NA Stage 2 Challengers open qualifiers, masasabing ang NRG Valorant ang isa sa mga talagang panalo sa post-Reykjavik roster shuffle.

Ang pagsali ni Ethan “Ethan” Arnold sa team ang nagpaarangkada sa kanila sa isang flawless run sa unang open qualifier, kung saan walang ipinatalo kahit isang map ang NRG. Tinalo din ng team ang Version1 at Knights, dalawang teams na nakapasok sa VCT NA Stage 1 Challengers Main Event.

Ang dating 100 Thieves player ay matagal nang pinupuri bilang isang manlalarong may solidong fundamentals at nakakabilib na mechanics, na nagmula pa sa kanyang karera sa CS:GO kasama ang Evil Geniuses.

Sa isang panayam ng Dexerto, nagsalita ang 22-anyos tungkol sa chemistry na nabuo ng bagong roster ng NRG at kung bakit siya kumpiyansa sa team.

Malaking upgrade si Ethan para sa NRG Valorant

Ethan NRG VCT 2022
Credit: NRG

Sa pinakamataas na lebel ng Valorant, teamwork ang pinakaimportante. “On a good team, everyone knows how to be a good teammate. But the last time I had this was, ironically, back on NRG when I first joined in CS,” sabi ni Ethan, patungkol sa kanyang unang pagsali sa organisasyon noong 2018.

“[The team now] reminds me a lot of that so it’s kind of funny,” dagdag pa niya.

Ang kanyang komento ay tila patungkol naman sa kakulangan ng pagkakaisa na pinipilit makuha ng 100 Thieves roster, na naging kilala dahil sa paulit-ulit nilang pagpapalit ng roster sa loob lamang ng ilang buwan.

Maganda naman ang ipinapakita ng NRG, bagama’t nitong huling bahagi lang ng April sumali si Ethan. Ang isang bagay na nakakabilib sa team ay ang bawat player na kasali ay may ambag, at ang kanilang mga panalo ay hindi lang nakasentro sa iisang player na bumubuhat.

Naipanalo ng team ang lahat nang kanilang mga matches sa unang open qualifier, kahit na hindi nakakuha ng mataas na score ang kanilang main duelist na si Sam “s0m” Oh.

Sa kanilang game laban sa Version1, isang team na nakakuha ng 5-0 sa VCT NA Stage 1 Challengers group stage, apat na NRG players ang nakakuha ng 30 kills pataas. Ang kanilang ikalimang player, na si Daniel “eeiu” Vucenovic, ay hindi rin nalalayo na may 28 frags.

Kung ikukumpara, ang FaZe Clan at Sentinels ay merong mababang win rates na 33 percent nang mag-post sina Andrej “babybay” Francisty at Tyson “TenZ” Ngo ng Average Combat Scores na mas mababa sa 275, ayon sa Valorant stats guru na si Matt “Weltis” Liu.

NRG Qualify Stage 2
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Nakakatuwa rin ang kakaibang istilo ng depensa ng RNG, na binigyang pansin ni Weltis. Sa halip na sikaping i-deny ang spike plant, mas pinipili ng RNG na mag-retake, at pinatunayan nilang napakahusay nila sa pag-retake ng sites.

Ang team ay nakakuha ng 27 percent ng mga rounds na ipinanalo nila sa defense sa pamamagitan ng pag-retake ng site, pinakamataas sa unang open qualifier.

“I think if everyone is kind of on the same page, if everyone knows what they’re doing, retakes are super easy and super simple,” sabi ni Ethan.

Ang chemistry ng team ay makikita sa kanilang tagumpay, at patuloy pa ito sa pagtaas. Kamakailan ay kinuha ng NRG ang dating League of Legends coach na si Anthony “Zikz” Gray bilang assistant coach, sa layuning makakuha ng lamang sa pagkakaroon ng ibang pananaw mula sa ibang game.

Nakatutok naman si Ethan sa pagpasok sa isa pang international Valorant LAN event. “Nobody on my team has been to a Valorant LAN yet, so I want to also do it for them,” sabi niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.