Kinumpirma ng Riot Games na initiator ang magiging susunod na Valorant agent.
Ibinunyag ito, kasama ng mga mga karagdagang detalye, sa bagong State of the Agents blog post ng Valorant Character Producer na si John Goscicki. Pero ‘di tulad ni Sova, na gumagamit ng Recon Bolt at Owl Drone para makakalap ng impormasyon, si Agent 20 daw ay mago-offer ng mas “localized initiation and recon tools”.
‘Localized information-gathering’ ang bentahe ng susunod sa Valorant agent

“So much of Valorant’s tactical loop revolves around information. Knowing where enemies are and exploiting that info to execute during that sliver of a window is key to many successful wins,” ani Goscicki.
Bilang resulta, ang bagong initiator ang prayoridad ng Valorant team. Patuloy pa rin kasi ang pangingibabaw ni Sova sa meta, kung saan isa ang agent sa top two most-picked agents sa VCT NA at EMEA Stage 1 Challengers.
Gayunpaman, gusto ng Riot Games na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang mga susunod na Valorant agent para mag-iba rin ang paraan kung paano maglaro kontra sa mga ito.
Para masigurong hindi lang clone ni Sova si Agent 20 (na may codename na Bounty Hunter), nag-focus ang Riot sa “identifying unique gameplay differences within the realm of recon and info”.
“This next agent should give you a more… intimate feeling when hunting down enemies,” pangako ni Goscicki. May mga impormasyon din ang nagbunyag sa bagong Totem ability na idinagdag sa laro at tila kapareho nito ang Trailblazer ni Skye.
Maaaring mangahulugan ang datamined information na ‘to sa kakayahan ng susunod na Valorant agent na mang-scout ng kalaban.
‘Fear’ ang team ng Turkish agent na si alyas Bounty Hunter

Tinapos ni Gosciki ang kanyang blog gamit ang isang linyang nakasulat sa Turkish na lenggwahe: “Herkesin bir korkusu var.”
‘Pag isinalin, ang ibig-sabihin nito ay “may kinakatakutan ang lahat.”
Nagbiro rin siya tungkol sa pagkakaroon ng “recurring nightmare” na hindi niya matatapos ang Act II battlepass, at nag-aalangan siyang ibunyag ang susunod na Valorant agent dahil “the thought of giving away too much frightens [him]”.
Makikita sa teaser ang isang tasa ng kape na may Turkish delights sa tabi. May bukas din na laptop sa litrato na nagpapakita ng mga impormasyon tungkol kay Sova. May nakapaskil din na imahe ni Cypher sa board.
May mga detalye rin ang nagkumpirmang blackmailer si Agent 20 na binabantaan ang Valorant Protocol. May singsing sa ilalim ng saucer, na tila may nakapasak na “evil eye”, Ayon sa Turkish custom, nagsisilbing proteksyon ang palamuting ito.
Pasok ang temang ito sa calling card ng blackmailer na sumisimbolo sa isang mata.
Mababasa ang buong State of the Agents blog post dito.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Best Valorant crosshair codes na gamit ng mga pro players: TenZ, Asuna, Hiko