Walang bagong map o agent na darating sa Valorant Episode 4 Act II, pero hindi bito mapipigilan ang Riot Games na magpahaging ng mga mangyayari sa susunod na Act.
Ang bagong Viper voice line at mga clues sa practice range ang nagsasabi kung sino ang susunod na Valorant agent. Bukod pa dito, tampok sa bagong Battle Pass ang isang nakakatakot na player na maaaring isa ring teaser para sa agent.
Ang bagong Valorant agent ay maaaring isang initiator na pantapat kay Sova
Sa nagdaang ilang buwan, ang Valorant Protocol ay nakaengkwentro ng isang misteryosong blackmailer na nang-hack sa computer ni Brimstone, na nananakot na ibubunyag ang kanilang lihim sa mundo. Sinubukan nina Sova at Cypher na hanapin sya ngunit hindi sila nagtagumpay.

Nabunyag sa mga bagong voice mail messages nina Sova at Viper para kay Brimstone na ang Valorant Protocol ay nahihirapang manalo sa dalawang laban – ang isa ay sa blackmailer at ang isa naman ay sa Mirror Earth.
Malaman ang mensahe ni Viper. “Brim, we can’t pull this off any longer. We need more scouts. You have to stop relying on Sova,” sabi niya. “I know, you trust him, he’s capable. But he’s one man, and he’s exhausted.”
“Cypher’s network is invaluable, but it’s a crutch. It doesn’t replace our need for agents in the field. We’re losing, Brim. If we’re going to survive, we need more information. We need more eyes.”
Minumungkahi nito na ang susunod na agent na sasali sa Valorant roster ay maaaring isang initiator na may kakayahang mangalap ng impormasyon na tulad ni Sova.

May mga hints din na maaaring sya mismo ang blackmailer. Ang blackmailer ay iniuugnay sa simbolo ng mata sa opisina ni Brimstone, na matatagpuan din sa board sa labas ng shooting range. At mahirap balewalain ang sinabi ni Viper kay Brimstone na “we need more eyes”.
Dagdag pa dito, tampok sa bagong Hush player card sa Battle Pass ang isang tila higanteng pulang mata, na may mga galamay na meron ding mga mata. Kung gusto ni Viper ng “more eyes”, mukhang makikita niya ang hinahanap niya.

Ang Hush card ay isang libreng Chapter 10 reward. Dati ay naglagay din ang Riot ng mga teaser cards para sa mga bagong agents sa Tier 48, tulad ng ginawa nila kay Killjoy at Skye, pero pwede rin namang binago na nila ito.
May mga teorya rin na ang blackmailer ay maaaring si Agent 8. Walang masyadong impormasyon tungkol kay Agent 8, maliban sa sya ay dating miyembro ng Valorant Protocol at magbabalik bilang isang playable agent balang araw.
Sa Warm Up cinematic para sa Episode 4, makikitang burado ang number 8 sa locker na katabi ng kay Phoenix, na nagmumungkahing hindi maganda ang pag-alis ni Agent 8 sa Valorant Protocol. Bilang dating miyembro ng team, ito rin marahil ang dahilan kung bakit hindi sya matunton, dahil pamilyar sya sa mga galaw nina Sova at Cypher.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.