Nagpaalam na ang Team liquid kay Aurimas “Dreamas” Zablockis, na sumali sa kanila bilang pansamantalang kapalit ni Travis “L1NK” Mendoza.
Pinasya ni L1NK na malipat muna sa bench sa kalagitnaan ng VCT EMEA Stage 2 group stage, kung kaya’t kinuha ng organisasyon si Dreamas upang pumalit sa kanya.
Tinulungan ng 23-anyos na player na mag-qualify ang Liquid sa playoffs, ngunit nabigo ang team na makapasok sa Masters Copenhagen matapos matalo sa FunPlus Phoenix at M3 Champions sa playoffs.
Dahil dito, hindi umaasa ang marami na mananatili ang Lithuanian player sa team. Opisyal na inanunsyo ni Dreamas ang kanyang pagiging free agent sa Twitter at sinabing naghahanap siya ng team na masasalihan.
Team Liquid nangangailangan ng ikalimang miyembro

Sa isang TwitLonger post, nagpasalamat si Dreamas sa Liquid at sa staff nito sa pagbigay sa kanya ng pagkakataon na makasali sa team.
“I had to play a brand new, very passive, heavy support role and in a very short period of time I worked a lot and learned a lot about it,” sabi niya. “In my eyes, I did a good job with the given circumstances.”
Dinagdag niyang magbabalik siya sa kanyang main sentinel role, ngunit patuloy na pagbubutihin ang kanyang flex o support role at kanyang mid-round calling. Ang dating LDN UTD player ay gumagamit ng mga sentinels gaya ng Killjoy, Cypher, at Chamber, bago niya pinalawak ang kanyang pool sa mga agents tulad ng Breach at Sage para sa Liquid.
Nangangahulugan ito na kulang ng isang player ang Liquid sa pagdating ng EMEA Last Chance Qualifier sa August. Ang dating Acend star na si Aleksander “zeek” Zygmunt ay nawala na rin kamakailan sa main roster, at may bulung-bulungan ang mga fans na siya na marahil ang maging fifth man ng Liquid.
Nangangailangan din ang Liquid ng bagong coach, matapose magbitaw ng kanilang longtime coach na si Connor “Sliggy” Blomfield noong May. Kasalukuyang may tumatayong coach para sa team ngunit wala pang pormal na anunsyo ukol dito. Binanggit din ni Dreamas ang tungkol sa “secret coach” na ito sa kanyang post.
Ang EMEA LCQ ang huling pagkakataon ng Team Liquid upang mag-qualify para sa Valorant Champions. Sa nakaraang Champions, malayo ang itinakbo ng karera ng team papuntang semifinals, kung saan tinalo sila ng nagkampeon na Acend.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.