Niyanig ng paparating na VCT 2023 season ang Valorant esports scene dahil sa mga teams na naghahangad na makakuha ng pwesto sa partnership program ng Riot Games.

Ang mga napiling teams ay lalaban sa mga International Leagues sa susunod na taon na gaganapin sa tatlong rehiyon: Americas, EMEA, at Pacific. Ang bawat rehiyon ay magkakaroon ng sampung partnered teams, kung kaya’t meron 30 sa kabuuan.

Ang mga Valorant partnered teams na ito ang kakatawan sa “premier level of competition in the VCT,” ayon sa Riot.

Gayunpaman, kasama sa listahan ng mga teams na hindi nakasama sa VCT 2023 season ay ang OpTic Gaming at FunPlus Phoenix, dalawang squads na nag-uwi ng mga Masters trophies sa taong ito.


Bakit hindi nakasali ang OpTic gaming at FunPlus Phoenix sa VCT 2023 season

Bago pa man ianunsyo ng Riot Games ang mga VCT partnered teams, nakita na ang OpTic at FPX bilang mga nangunguna na makapasok sa international leagues sa susunod na taon.

Ang OpTic ang isa sa mga pinaka-consistent na teams sa taong ito, an pumupwesto sa top three sa bawat international LAN na nasalihan nila. Nagwagi sila sa Masters Reykjavik, nagtapos sa ikatlong pwesto sa Masters Copenhagen, at nagtapos bilang runner-up sa Valorant Champions 2022.

Itinatag ng FPX ang kanilang sarili bilang isang top-tier team nang manalo sila sa Masters Copenhagen at nagtapos sa ikaapat na pwesto sa Valorant Champions 2022. May mga argumento rin na nagsasabing maaari silang ituring bilang isa sa mga top teams sa Masters Reykjavik.

Sa pagdating ng unang Masters event ng taon, lumipad patungong Iceland ang FPX bilang top-seeded team na mula sa EMEA region. Ngunit dahil sa travel restrictions sa Ukraine at Russia, napilitan ang FPX na mag-withdraw mula sa tournament.

Sa kabila ng kahanga-hangang ipinakita ng dalawang teams sa VCT 2022 season, hindi kinunsidera ng Riot Games ang mga nakaraang performances sa kanilang selection process. “We instead focused on an organization’s ability to create the most compelling VCT for fans in the future,” sabi nila sa kanilang pormal napahayag.


Listahan ng mga prominenteng esports teams na hindi nakasali sa VCT 2023 season

VCT 2023 Partnered Teams
Credit: Riot Games

North America

  • OpTic Gaming
  • TSM
  • Version1
  • XSET
  • The Guard
  • FaZe Clan
  • Shopify Rebellion
  • Ghost Gaming
  • Knights

EMEA

  • FunPlus Phoenix
  • Acend
  • Guild Esports
  • SuperMassive Blaze
  • OG LDN UTD
  • BIG

Korea

  • DAMWON Gaming
  • MARU Gaming
  • On Sla2ers
  • World Game Star

South America

  • Keyd Stars
  • Ninjas in Pyjamas
  • Liberty
  • Team Vikings

Japan

  • Crazy Raccoon
  • Northeption
  • FAV gaming
  • REJECT

APAC

  • XERXIA Esports
  • Full Sense
  • BOOM Esports
  • Made in Thailand
  • South Built Esports
  • NAOS Esports
  • Persija Esports
  • CERBERUS Esports
  • Velocity Gaming
  • Action PH
  • ONIC Esports
  • Fnacy United Esports
  • Team Big BAAM
  • Alter Ego
  • Oasis Gaming

Dahil sa dami ng mga organisasyon na hindi nakapasok sa partnership program ng Riot Games, maraming pros ang umaasang makapasok sa mga franchise teams sa off-season.

Maging ang OpTic Gaming star na si Jaccob “yay” Whiteaker, isa sa mg pinakamahusay na Valorant players sa buong mundo, ay nag-anunsyo na naghahanap siya ng masasalihang team sa North America o EMEA bilang isang restricted free agent.

Ang mga teams at organisasyon na piniling panatilihin ang kanilang Valorant roster sa kabila ng hindi pagpasok sa VCT 2023 season ay maaari pa ring magpatuloy sa kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng Challenger leagues sa susunod na taon.

Ang mga top teams na lalabas sa Tier 2 scene ay magkakaroon ng pagkakataon na umangat papunta sa international leagues sa pamamagitan ng Ascension tournaments.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.