Unti-unti nang nabubuo ang porma ng nalalapit na VCT 2023 season. Inilabas ng Riot Games ang 30 Valorant partnered teams sa tatlong international leagues, na naging hudyat ng malawakang off-season roster shuffle at muling pagbubuo ng mga organisasyon.

Hindi naging susi sa pagkonsidera at desisyon ng Riot ang nakaraang competitive performance, kung kaya’t ang mga top teams tulad ng OpTic Gaming at FunPlus Phoenix ay hindi nakasama bilang. Marami sa mga players ay ngayo’y mga free agents na naghahanap ng masasalihang teams sa merkado, at walang dudang maraming nakapila na magnanais na kunin sila.

Gayunpaman, upang mapanatili ang regional identity ng mga kalahok na VCT teams, pahihintulutan lamang ng Riot ang bawat team na magkaroon ng isang import player mula sa labas ng international league.


VCT 2023: Roster rules, transfer windows, sweldo

VCT 2023 season Three Leagues
Credit: Riot Games

Rules sa pagbuo ng roster

Ang mga teams ay kinakailangang magkaroon ng competitive roster na hindi bababa sa anim na miyembro, dagdag pa dito ang nakatalagang head coach at general manager. Maaaring magkaroon ng hanggang tatlong coaches, nangangahulugang ang mga organisasyon na tulad ng DRX ay kinakailangang umayon sa mga pagbabago.

Ang maximum roster size ay hanggang sampu lamang, kabilang na dito ang apat na reserve players.

Hindi bababa sa apat na players sa roster ay dapat residente ng bansa sa kani-kanilang international leagues. Gayunpaman, ang mga teams ay maaaring kumuh ng talent mula sa anumang bansaa na nasa liga. Ibig sabihin nito, ang isang team na nasa Americas league ay maaaring magkaroon ng apat na players sa kanilang starting roster mula sa North o South America.

Kasabay nito ay itinataas ng Riot ang minimum na edad ng mga kasali mula 16 hanggang 18. Ang mga international players ay dapat ipinanganak noong March 26, 2005 o mas maaga pa.

Ngunit kung ang player ay dati nang nakilahok sa isang Challengers Main Event sa VCT 2022 at ipinanganak sa pagitan ng March 26, 2005 at March 26, 2006, maaari pa rin silang makasali basta may pahintulot ng magulang o guardian.


Roster lock at transfer windows

yay marved Champions 2022 roster rules partnered teams
Credit: Riot Games

Ang VCT 2023 pre-season transfer window ay nagbukas noong September 26, 2022 at magsasara sa February 1, 2023.

Kinakailangan ng mga team na ipasa ang kanilang initial competitive roster sa Riot bago dumating ang October 15, 2022, kasabay nito ang mga patunay na ang mga players ay kumpleto sa mga kailangang work permits o visa upang tumira sa kanilang hub city (Los Angeles, Berlin, Seoul). Ngunit hindi ito hard roster lock, ang mga organisasyon ay maaari pa ring baguhin ang kanilang roster hanggang February.

Kasunod ng kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil, magbubukas ang isang maliit na mid-season transfer window, kung saan maaaring magpalit ang mga teams mula March 6 hanggang March 25, 2023.

At panghuli, ang lahat nang player ay kinakailangang nasa kani-kanilang mga league cities pagdating ng March 19, 2023.


Minimum na sweldo

Ang minimum na sweldo para sa bawat international league ay ang sumusunod:

  • Americas: US$50,000
  • EMEA: €50,000 (US$70,000)
  • Pacific: 67,000,000 KWR (US$47,500)

Hindi pa kasama sa halagang ito ang signing bonus, performance bonuses, prize money, at iba pang benipisyo.

Ang mga organisasyon ay inaasahan ding magbibigay ng housing options para sa mga players at head coach para sa kahabaan ng competitive season. Maaari itong isang residential team house, individual apartments, o iba pang arrangements.

Ang mga kalahok na teams ay kailangan ring maghanda ng kanilang training facility. Ang facility na ito ay kailangang kayang suportahan ang online play para sa mga league games kung kinakailangan.

Maaaring basahin ang kumpletong ruleset para sa VCT 2023 dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.