Kailangan ng OpTic Gaming na ire-sign ulit ang dalawa sa kanilang manlalaro upang mapanatili ang buong roster sa pagtatapos ng Valorant Champions, ayon sa artikulo ni George Geddes ng Dot Esports.

Mapapaso na kasi ang mga kontrata nila Victor “Victor” Wong at Austin “crashies” Roberts sa kalagitanaan ng Champions sa Setyembre kaya naman mangangailangan sila ng bagong kontrata upang manatili sa koponan. Sumali ang dalawa sa OpTic (dating Envy) mula sa T1 noong Setyembre 2020 and mula noon ay malaki ang ginampanan nila sa paglipad ng koponan patungo sa tuktok ng North America at international Valorant.

Naselyo na ng “Green Wall” ang unang pwesto sa Champions na gaganapin sa Istanbul, Turkey at gumugulong din ang kanilang aplikasyon para sa partnership sa Americas league na nakatakdang simulan sa susunod na taon.


Nakatakdang mag-expire ang mga kontrata nila Victor at crashies sa OpTic Gaming sa susunod na buwan

Victor at crashies ng OpTic Gaming
Credit: Riot Games

Ang magandang balita ay nais umanong panatilihin ng OpTic Gaming ang dalawang manlalaro kaya naman ang mga bagong kontra ay nakikita bilang formality na lang. Ang iba namang tatlong players nila ay sa susunod pa mapapaso ang mga kontrata.

Gumawa ng pangalan ang OpTic bilang isa sa mga pinaka-consisten na koponan sa professional Valorant scene. Matapos sungkitin ang kampeonato sa Masters Reykjavik, pumitas naman ng third-place finish ang grupo sa Copenhagen at nananatiling isa sa mga paboritong manalo sa Valorant Champions.

Isa sa mga susi si Victor sa tagumpay ng OpTic Gaming sa Reykjavik dahil sa kanyang off-meta Neon pick sa mga mapa tulad ng Fracture. Gayundin si crashies na itinuturing na isa sa top initiators sa mundo gamit ang mga agents na sina Skye at KAY/O.

Valorant Masters Copenhagen
Credit: Riot Games

Sa ngayon, hindi para garantisado na may spot sa Americas league ang organisasyon sa Valorant Champions Tour (VCT) 2023 season. Nasa kalagitnaan pa ang Riot Games ng pagpili sa mga koponang makakapasok sa kanilang bagong partnership program at ang kawalan ng kasiguraduhan ng kanilang suporta sa Tier 2 scene ay nagresulta sa pag-drop ng mga organisasyon sa kani-kanilang Valorant division.

Sa hindi inaasahang pagkakataon na hindi mapili ang OpTic sa bagong international league, maaaring maiwan sa ere ang mga kapalaran nila Victor at crashies.

Para sa Valorant news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Salin ito ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.