Nagsimula na ang bootcamp ng Sentinels bago ang VCT NA Last Chance Qualifier sa August, ang kanilang una matapos ang pagsali nina Michael “Shroud” Grzesiek at Jordan “Zellsis” Montemurro.

Ang team ay nagsimula na sa kanilang mga scrims nitong mga nakaraang linggo upang makakuha ng mas maraming practice. Sa isang nagdaang stream, nagbigay ng update si Shroud tungkol sa kalagayan ng kanilang mga scrims – binabago nila ang kanilang paraan ng paglalaro ng game, mula sa positions hanggang sa agent compositions, at hindi nakakagulat na magulo ito.

“It’s a disaster,” inamin niya sa kanyang stream kamakailan. “I’ll be honest. We are just scrambling and trying to find the right fit.”


Hindi mahalaga ang resulta ng mga scrims, ayon kay Shroud

Sentinels Shroud scrims
Credit: Sentinels

Pero hindi ito nangangahulugan ng katapusan para sa North American team. Dahan-dahan nilang iniisa-isa ang bawat map, sabi ni Shroud, at tila mas madali pa nga ang mga scrims kumpara sa kanyang mga ranked games.

“Ranked is the hardest thing in the world,” sabi ng 28-anyos. “People actually miss in scrims. It’s great. They don’t miss in ranked.”

Nang tanungin ng isang viewer ang tungkol sa kanilang win rate sa mga scrims, inamin niyang natatalo sila sa karamihan ng mga ito.

Ngunit hindi gano’n kaimportante ang resulta ng mga scrims, sabi niya. “If you are scrimming and you’re thinking about the results of the game, you’re not scrimming the right way in my opinion,” dagdag niya pa.

“The result of the scrim does not matter. What matters is what you’re doing inside of the scrim and what you’re learning from it.”

Ang kanyang pananaw ay katulad ng kay Jimmy “Marved” Nguyen ng OpTic Gaming. Dati nang pinuna ng OpTic controller ang mga North American teams dahil sa pagtrato nila sa mga scrims bilang official matches kung saan ibinibigay nila ang lahat upang manalo.

Kung ikukumpara, walang pakielam ang OpTic kung manalo o matalo sila sa mga games sa practice. Sa halip ay nakatutok sila sa pagperpekto ng mga set plays at executions, kung saan pinaplantsa nila ang mga gusot sa kanilang game plan.

Kung ang Sentinels ay may parehong diskarte, makakaasa ang mga fans na makakakita tayo ng mas malakas at buhay na buhay na team sa susunod na buwan sa VCT NA LCQ, matapos ang ilang buwan ng hilaw na mga plays.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.