Open season na ng paparating na VCT 2023. At dahil meron lamang sampung teams sa bawat isa sa tatlong international leagues, napakareaming talents na pagpipilian ngayon sa merkado, na umaasang makakuha ng pwesto sa isa sa mga partnered teams.

Walang duda na si Jaccob “yay” Whiteaker ang isa sa mga hinahabol an free agents, kasunod ng taon kung kelan pinatunayan niyang siya na marahil ang pinakamahusay na player sa buong mundo. Ipinakita rin niya ang kanyang pagiging consistent sa lahat nang international LAN na kanyang sinalihan.

Ang lahat nang mga mata ay nakatutok kung saan susunod na mapapunta ang 24-anyos. Sa isang nagdaang stream, nagbigay ang OpTic Gaming star ng mga pahaging tungkol sa mga magaganap sa kanyang career, kabilang na ang nakakalulang US$1 million na offer ng isang hindi pinangalanang APAC team.


Yay mukhang mananatili sa North America para sa VCT 2023

yay marved Champions 2022
Credit: Riot Games

Bagama’t sinabi ni yay na bukas din siya sa mga offers mula sa EMEA, sinabi niyang malaki ang posibilidad na manatili siya sa North America para sa Americas league.

“It’s not EMEA, I’ll tell you guys that much,” sabi niya sa kanyang mga viewers sa stream, bago klaruhin na wala pa siyang pinipirmahan.

“I did get a million per year offer from APAC,” dagdag pa niya. “But I’m probably not going to do that one, unfortunately.”



May mahabang paliwanag ang OpTic player tungkol sa offer na ito sa isang panayam kasama ang esports journalist na si Richard Lewis, kung saan nagpahayag siya ng pag-aatubiling lumipat sa kabilang dako ng mundo papuntang Asia.

“It’s also a situation where you have to find a team you want to play on,” paliwanag niya. “But it’s also a question of whether I would find happiness.”

“My aspiration is to win championships. I want to leave something behind. I want other people to look at it and be inspired to fulfill their own passions.”

Ang lahat nang player ng OpTic ay kasalukuyang naghahanap ng bagong oportunidad bilang mga free agents. Ang kabiguan nilang makakuha ng prangkisa ay talagang isang nakakagulat na balita para sa North America, lalo na’t tumatayo ang team bilang top North American roster sa Valorant dahil sa ipinaklita nilang magandang performance nitong taon.

Gayunpaman, hindi ang nakaraang competitive performance ang tinitignan ng Riot Games upang magpasya, kugn kaya’t marami sa mga pinakamahuhusay na players sa buong mundo ang kasalukuyang naghahanap ng bago nilang tahanan.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.