Sa Dota Pro Circuit (DPC), ang pagsikat ng mga player ay madalas mangyari nang hindi inaasahan.

Bagamat may mga beteranong patuloy pa rin ang pamamayagpag, marami-rami na ring mga baguhan ang unti-unting nagpapakilala. Inaasahan na madagdagagan lang ito sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2

Sa pagsisimula ng ikalawang Tour sa ika-14 ng Marso, muling magbabakbakan ang pinakamagagaling na Dota 2 teams sa buong mundo para makaselyo ng tiket papuntang Stockholm Major.

Kung naghahanap ka ng mga manlalarong dapat abangan, narito ang ilang pangalan na dapat mong tutukan sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2.

3 players na dapat abangan sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2

Erin Jasper “Yopaj” Ferrer—BOOM Esports

3 players na dapat tutukan sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2
Credit: Galaxy Racer

Matagal nang napatunayan na tahanan ang Pilipinas sa mga pinakamgagaling na midlaners.

Pero kamakailan lang ay muli tayong napaalalahanan sa katotohanang ito matapos mamayagpag ni Yopaj ng BOOM Esports gamit ang Ember Spirit at Templar Assassin.

Nagsilbing susi sa tagumpay ng kanyang koponan noong naunang Tour at noong DPC SEA Regional Finals ang 20-taong-gulang na manlalaro. Lalo pa niyang pinatunayan ang kanyang husay matapos nilang iselyo ang ikalimang-sunod na kampeonato sa Gamers Galaxy Dota 2 Invitational Series Dubai 2022.

Naunang nakilala si Yopaj matapos ang kanyang pagpapakitang-gilas sa ONE Esports Singapore Major, kung saan muntik nilang matalo bilang OB.Neon ang Team Secret.

Simula noon, walang ibang ginawa si Yopaj kung hindi mag-improve. Bagamat bigo silang makadalo sa ibang Major at sa The International 10, hindi maipagkakaila na isa siya sa mga dapat abangang manlalaro sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2.


Lou “lou Zhen—Xtreme Gaming

Noong Nobyembre ng nakaraang taon lang sinumulan ni lou ang kanyang professional career agad na niyang napatunayan ang silbi sa roster ng Xtreme Gaming na pinupuno ng mga beterano.

Dapat katakutan ang husay niyang gumamit ng Naga Siren at Templar Assassin. Sa tulong ni lou, sinelyo ng CG ang ikalawang puwesto sa Intel World Open Beijing matapos talunin ng runner-up ng Division I na Team Aster.

Napagtagumpayan din nila ang OGA Dota PIT Season 6 matapos talunin ang mga higante sa kanilang rehiyon gaya ng Royal Never Give Up, EHOME, at Team MagMa.

Bagamat kaabang-abang din ang ipapakita ng XG superstar midlaner na si Zhang “Paparazi灬” Chengjun sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2, ‘wag kayong magulat kung makibahagi si lou sa spot light.


Marcus “Ace” Hoelgaard—Gaimin Gladiators

3 players na dapat tutukan sa paparating na DPC 2021/2022 Tour 2
Credit: DreamLeague

Marami na ring manlalaro ang nagpalit ng role sa kahabaan ng kanilang karera pero ibahin niyo si Ace. Nalaro na niya kasi ata ang lahat ng mga posisyon at naging matagumpay sa mga ito—lalo na sa role niya ngayon.

Lahat ng Western Europe teams na kayang makipagsabayan sa gaya ng OG, Team Liquid, Team Secret, at Nigma Galaxy ay kailangang bigyan ng atensyon. Lalo na ang Gladiators, na dating Team Tickles, dahil tinalo nila ang lahat ng mga nabanggit noong kanilang kampanya sa DPC WEU Regional Finals at nagsilbing key player si Ace sa tagumpay na ‘to.

Napatunayan ni Ace na isa siya sa pinakamagaling na offlaner sa Europe habang naglalaro para sa Gladiators. Ito ay matapos niyang magsilbi bilang carry ng Team Secret at mid ng Cloud9 at Ninjas in Pyjamas. Sikat siya sa paggamit ng mga hero na kailangan i-micro gaya ng Meepo at Lone Druid.

Ngayong offlaner na siya, kinakatakutan naman ang kanyang Broodmother. Ginamit nila ito isang beses sa DPC WEU Regional Finals at simula noon ay first phase banned na ‘to sa lahat ng mga sumunod nilang laro sa turneo.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Manalo ng Riot Points, Valorant Points, MLBB Diamonds, at marami pa sa ONE Esports Fantasy