Matapos makuha ang top eight finish sa kanilang The International debut, napagdesisyunan ng Southeast Asia powerhouse na Dota 2 squad ng T1 na manatiling buo para sa susunod na Dota Pro Circuit (DPC) season.

Nakapasok ang T1 sa The International 10 sa pamamagitan ng kanilang magandang performance sa kabuuan ng ikalawang DPC season ng taon.

Pinagharian ng Dota 2 squad ng T1 ang DPC Season 2 Southeast Asia Upper Division bago iselyo ang third place sa WePlay AniMajor na tuluyang nagbigay sa kanila ng direct invite sa TI10.


Ekplosibo ang ipinakita ng T1 sa kanilang unang pagsabak sa TI

Dota 2 squad ng T1
Credit: WePlay Holdings

Kahit pa bagito sila sa entablado ng The International, hindi nagpapigil sa pagpapakitang gilas ang Dota 2 squad ng T1. Apat sa kanila ay sumabak sa kanilang unang TI pero nilampasan nila ang inaasahan mula sa kanila.

Ang Filipino midlaner nga na si Karl “Karl” Baldovino ay itinala ang pinakamataas na average KDA sa group stage na umabot sa 10.08.

Ipinakita naman ng Indonesian support duo na sila Kenny “Xepher” Deo at Matthew “Whitemon” Filemon ang kanilang pagiging agresibo. Nilista ni Xepher ang pinakamataas na assist average sa group stage habang ikalima naman si Whitemon sa nasabing kategorya.

Maging ang Thai carry na si Nuengnara “23savage” Teeramahanon ay nagpasiklab din bagamat may ilang mga pagkakataon na tila nakakaramdam siya ng TI rookie jitters.

Dahil sa kanilang nakakamanghang four-match win streak sa group stage at pagtabla ng Team Undying kontra sa Evil Geniuses, nakasunggab ang T1 ng upper bracket spot sa Main Event.

Nakaharap nila ang tournament favorite na PSG.LGD sa first round at tampok sa Game 2 nito ang pambihirang 10-man buyback.

Bagamat nagwagi ang T1 sa nasabing laro, nanaig pa rin ang PSG.LGD sa naturang serye.

Matapos malaglag sa lower bracket, pinauwi ng T1 ang Alliance para makapasok sa Top 8 bago tuluyang bumagsak sa kamay ng Vici Gaming.


Dota 2 squad ng T1 mag-i-stick sa susunod na DPC season

Sa isang video, pinasalamatan nila kapitan Carlo “Kuku” Palad at kanyang mga kakampi sa T1 ang lahat ng sumuporta sa kanilang kampanya sa The International 10.

Kasabay nito ang kanilang pahayag na manatiling buo sa susunod na season at ang pangakong pagbubutihin pa ang kanilang paglalaro para sa kanilang misyon na makuha ang Aegis of Champions sa susunod na taon.


March mananatiling coach ng Dota 2 squad ng T1

Credit: WePlay Holdings

Ibinihagi rin ng South Korea-based organization na mananatiling coach si Park “March” Tae-won ng kanilang Dota 2 team.

Si March ay isang beterano sa larangan ng Dota 2 pro play na naglaro para sa MVP Phoenix noong The International 5. Mahigit dalawang taon na siyang nagtatrabaho bilang coach sa Southeast Asia region at ginabayan din ang ilang respetadong koponan tulad ng Fnatic at TNC Predator.

Ang buong lineup ng T1 para sa 2022 DPC season

  • (1) Nuengnara “23savage” Teeramahanon
  • (2) Matthew “Karl” Baldovino
  • (3) Carlo “Kuku” Palad
  • (4) Kenny “Xepher” Deo
  • (5) Matthew “Whitemon” Filemon
  • (Coach) Park “March” Tae-won

Hango ito sa artikulo ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.