Nakatakdang sumabak ang Chinese teams na PSG.LGD at Royal Never Give Up (RNG) sa Riyadh Masters 2022, ang unang Dota 2 LAN tournament na magtatampok ng mga koponan mula sa naturang powerhouse region ngayong taon.

Huling napanood ang isang Chinese team sa LAN noong The International 10 grand finals kung saan nagsagupaan ang PSG.LGD at Team Spirit sa umaatikabong five-game series para sa Aegis of Champions.

Ang Riyadh Masters, na inorganisa ng Saudi Esports Federation, ay nakatakdang tumakbo mula ika-20 hanggang ika-24 ng Hulyo sa Boulevard Riyadh City. Nakataya dito ang nakakalulang US$4 milyon (halos PHP225 milyon) na prize pool.


PSG.LGD at RNG kasama sa Riyadh Masters 2022

Ame at Miracle- sa tampok sa Riyadh Masters
Credit: ONE Esports

Sa Riyadh Masters 2022 unang makikita ang PSG.LGD at RNG sa isang LAN ngayong taon. Sa apat na araw lang na kompetisyon, mag-uuwi ang kampeon ng US$1.5 milyon (mahigit PHP56 milyon) na parte ng napakalaking prize pool.

Hindi nakadalo ang apat na kwalipikadong Chinese squads sa Stockholm Major noong Mayo, kung saan kinoronahan ang OG. Dahil sa napakahigpit na zero-COVID policy ng China, hindi nagawang makalabas ng mga koponan sa bansa patungong Stockholm.

Sa halip, nagsagawa ang rehiyon ng kanilang Regional Finals na dinomina ng PSG.LGD upang iselyo ang direct invite sa TI11 — na nasiguro nila kahit hindi nakapaglaro sa ni isang international offline event ngayong taon.

Ipinapatupad pa rin ang polisiya sa China kaya naman nakakasorpresa na nakasali ang dalawang Chinese teams sa Riyadh Masters.

Credit: Valve

Kinumpirma ng PSG.LGD ang kanilang partisipasyon sa pamamagitan ng Weibo noong ika-12 ng Hulyo at sinabing gagawin na ang kinakailangang pag-iingat sa kanilang pagpunta sa Riyadh.

Naimbitahan sila Wang “Ame” Chunyu at kanyang koponan sa Riyadh Masters kasama ang TI10 champion na Team Spirit, two-time TI winner OG, Tundra Esports, OG, Team Secret, Nigma Galaxy SEA at TSM.FTX habang nakapasok naman ang RNG sa pamamagitan ng Gamers Without Borders kagaya ng Team Liquid at Deboosters.

Ang pagsali ng PSG.LGD at RNG sa torneong ito ay isang magandang senyales para sa paparating na Arlington Major, kung saan apat na Chinese teams ang kwalipikado. Sana ay makita ng mga fans ang full roster ng mga koponan sa huling Major ng season na magsisilbing preview ng kung anong magaganap sa TI11 sa Singapore.

Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines Facebook page para sa Dota 2 news, guides at highlits.


Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.