Ibinahagi ni Topias Miikka “Topson” Taavitsainen ang kagustuhan niyang bumalik sa eksena ng professional Dota 2.

Nagpahinga mula sa competitive Dota 2 noong nakaraang taon ang two-time champion ng The International matapos mauwi sa joint-seventh place ang kampanya ng OG sa ika-10 edisyon ng world championshiop.

Pero matapos hasain ang kanyang galawan sa rehiyon ng Southeast Asia, nagbabalak na muli si Topson na bumalik sa Europe para ipagpatuloy ang kanyang pro Dota 2 career.

Plano ni Topson na bumalik sa pro Dota 2

Nagbabalak na raw si Topson na ipagpatuloy ang kanyang pro Dota 2 career
Credit: OG

Unang napag-usapan ang plano ng back-to-back TI8 at TI9 winner sa Monkey Business Show ng OG, kasama ang CEO ng organisasyon na si JMR Luna.

“I’ve been sharpening my skills for the last six months,” kwento ni Topson. “At some point, I felt like, maybe two or three months ago, suddenly, I started winning more. I started feeling better about my own game and more confident again.”

Bago ang pagbabatak niya sa SEA, naramdaman daw niyang napag-iiwanan na siya ng mga pinakamagagaling na Dota 2 players sa buong mundo noong mga nakalipas na taon.

“My mechanical side was lacking and stuff,” paliwanag niya. “But, now, I feel like I got my confidence back and I feel good about my game. I’ve been itching for a while.”

Matapos ang isang buwan, bumalik sa Europe si Topson para ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay. Sa kanyang stream, ipinaliwanag niyang mananatili muna siya sa rehiyon hanggang matapos ang summer, bago panandaliang bumalik sa Malaysia, at muling manirahan sa Finland.

“I need to play, so I’ll stay in Europe also,” aniya. “My plan is to start competing at some point.”

Base sa kanyang paliwanag, nagbabalak na bumalik ang Finnish player sa simula ng DPC season sa 2023, pagkatapos ng TI11.



Habang nasa Europe, nakalaro muli ni Topson ang dati niyang teammate sa OG na si Sébastien “Ceb” Debs, na panandaliang pinutol ang kanyang retirement para magsilbi bilang stand-in sa championship run ng koponan sa ESL One Stockholm Major.

Nakatakda pang ibahagi ni Topson kung saang roster siya maglalaro, pero hindi na siguro nakakagulat kung babalik siya sa OG.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: BOOM Esports nagbalik sa tuktok ng SEA, dumikit sa TI11 direct invite