Dahil sa kaniyang skill set pang-crowd control, isa si Khufra sa pinakamalakas na tank heroes sa Mobile Legends: Bang Bang.

Pwede siyang makapunta sa malalayong lugar at patumbahin ang mga kalaban gamit ang Tyrant’s Revenge habang pinipigilan sila mag-mobility spells gamit ang kaniyang Bouncing Ball.

Kaya rin niyang mahila ang mga kalaban patungo sa kaniya at tusukin sila sa pader gamit ang kaniyang Tyrant’s Revenge, para mabigyan ng sapat na oras ang kaniyang mga kakampi para mapatumba sila.

‘Wag kang mag-alala. Heto ang tatlong heroes na pwede mong gamitin para ma-kontra ang Desert Tyrant.


Tatlong malakas na pang-kontra kay Khufra sa Mobile Legends

Franco

Mobile Legends: Bang Bang Valhalla Ruler Franco skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Kayang-kaya mapawalang bisa ni Franco ang Bouncing Ball ni Khufra gamit ang kaniyang sariling control skills.

Dahil mabagal ang galaw niya habang gamit ang Bouncing Ball, maari mo siyang mahila gamit ang Iron Hook. Hawakan mo siya gamit ang Bloody Hunt at pabagalin gamit ang Fury Shock. Ma-kakansela rin ng Bloody Hunt ang Bouncing Ball.

Makipag-coordinate sa iyong mga kakampi para mapigilan siyang gamitin ang Tyrant’s Rage.

IBA PANG MLBB GUIDES
Tanggalin ang kulit ni Harith gamit ang 3 pangontra na hero sa Mobile Legends
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pataubin si Karrie gamit ang 3 counters na ‘to sa MLBB
Talunin si Irithel sa Mobile Legends gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to

Akai

Akai best counter heroes Fanny
Credit: Moonton Games

Isa pang tank hero si Akai na mabisa sa paghuli kay Khufra para mapagilan siya.

Sa tuwing tatalon siya at gagamit ng Bouncing Ball, mag-cast ng Heavy Spin para mahuli siya sa pader at matulak papalayo sa kakampi. Maari mong ipagpatuloy ito gamit ang Headbutt at Body Slam.

Piliin ang Flicker bilang battle spell para maka-responde ka sa tamang oras kung may target siyang importanteng hero sa team mo.

Valir

Mobile Legends: Bang Bang Infernal Blaze Valir Wallpaper
Credit: Moonton Games

Isang malaking problema si Valir sa karamihang tanks tulad ni Khufra. Marami siyang control spells, at isang built-in Purify kasama ang kaniyang Vengeance Flame ultimate.

Kung susubukan ka niyang atakehin gamit ang Tyrant’s Revenge, gamitan mo ito ng Vengeance Flame para matulak siya papalayo gamit ang Searing Torrent. Tirahin gamit ang Burst Fireball nang paulit-ulit para ma-activate ang stun mula sa Ashing. Maari mo ring gamitin ang Burst Fireball para mahanap siya sa mga damuhan para mapigilan ang kahit ano mang initiation attempt.

Bumili ng Ice Queen Wand para magkaroon ng karagdagang slow effect, Glowing Wand para mapataas ang iyong magic DPS, at Necklace of Durance para mapahina ang HP regeneration ng kalaban.

Bumili ng mga defensive items pagkatapos para mabuhay ka pa rin kung sakali mahuli ka ni Khufra habang nasa cooldown ang iyong ultimate.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa Mobile Legends. 

BASAHIN: 3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends