Tukoy na ang apat na bansang maglalaban-laban sa final stage ng Mobile Legends: Bang Bang event ng 31st Southeast Asian Games matapos ang siyam na best-of-two sa group stage at isang tiebreaker.

Kabilang ang Pilipinas, Indonesia, Malaysia, at Singapore sa mga makaka-abante sa final stage ng 31st SEA Games, kung saan magaganap ang mga laban para sa bronze, silver, at gold medals.


Ang apat na bansang pasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB

Pilipinas

4 na bansa pasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games
  • Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna
  • Danerie James “Wise” Del Rosario
  • Salic “Hadji” Imam
  • Kyle “Dominic” Soto
  • Lee Howard “Owl” Gonzales
  • Dexter “DEX STAR” Alaba
  • Russel “Eyonz” Usi

Pingibabawan ng SIBOL, na binubuo ng mga miyembro ng Blacklist International, ang Group A. Winalis nila ang tatlong best-of-two kahapon kontra Malaysia, Laos, at Myanmar, para makapagtala ng perpektong record at siyam na puntos sa group stage.


Indonesia

4 na bansa pasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games
  • Rivaldi “R7” Fatah
  • Albert “Alberttt” Neilsen
  • Ihsan “Luminaire” Besari Kusudana
  • Calvin “CW” Winata
  • Calvin “Vynnn”
  • Gilang “S A N Z”
  • Nicky “Kiboy” Fernando

Binubuo ng mga miyembro mula sa pinakamalalakas na koponan ng MLBB Professional League Indonesia ang delegado ng bansa. Bukod sa Pilipinas, isa rin sila sa bansang inaasahang mag-uuwi ng gintong medalya. Nakapasok sila sa final stage ng 31st SEA Games MLBB matapos walisin ang Group B.


Malaysia

4 na bansa pasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games
  • Idreen “Momo” Bin Abdul Jamalis
  • Muhammad “CikuGais” Danial
  • Zikry “Moon” Bin Shamsuddin
  • Wan “4Meyz” Wsman
  • Mohammad Zul “Xorn” Hisham
  • Mohamad “Moyy” Farhan
  • Muhammad “Ajiq” Amirul Raziq

Bagamat hindi umubra kontra SIBOL, mariing napatunayan ng Malaysia na isa rin sila sa mga dapat katakutan sa 31st SEA Games. Binubuo ang koponang ito ng karamihan ng mga miyembro ng TODAK, ang kampeon ng MPL Malaysia Season 9. Haharapin nila ang Indonesia sa semifinals ng final stage ng 31st SEA Games MLBB.


Singapore

4 na bansa pasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB
Credit: SEA Games
  • Stefan Chong “Soul” Ru Chyi 
  • Remas “Remaniscent” Ker Zhen Hong
  • Basil Lim “Seilah” Dao Ze
  • Adam “Adammir” Chong
  • Akihiro “JPL” Furusawa

Nakapasok sa final stage ng 31st SEA Games MLBB ang Singapore matapos daiigin ang host country na Vietnam sa best-of-one tiebreaker para sa second seed ng Group B. Ang mga kinatawan ng bansang ito ay binubuo ng karamihan ng mga miyembro ng EVOS SG, ang runner-up ng MPL Singapore Season 3. Kakalabanin nila ang Pilipinas sa semifinals ng final stage.


Nakatakdang ganapin ang unang semifinals match sa pagitan ng Pilipinas at Singapore ngayong araw, ika-19 ng Mayo, sa ganap na ikatlo ng hapon.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: 31st SEA Games: Esports standings at bilang ng mga medalya