Sa isang Mobile Legends: Bang Bang ranked game, ang harapang laban sa iconic tank hero na si Tigreal ay hindi isang sitwasyon na nais mong maranasan.

Bilang isa sa mga pinakaunang mga hero sa laro, ang kanyang walang-kamatayang skillset ay nagiging paborito sa mga baguhan at mga manlalaro sa Mythical Glory.

Maari niyang pabagalin ang mga kalaban gamit ang Attack Wave at makalapit gamit ang Sacred Hammer. Ang kanyang ultimate na Implosion ay humihila ng mga kalaban patungo sa kanya upang ma-stun ang mga ito, ginagawa ito bilang isa sa mga pinakamahalagang team fight initiation skills sa laro.

Kahit na matagal na siyang naroroon, may ilang manlalaro pa rin na nahihirapan sa paglaban sa kanya. Narito ang tatlong hero na makakatulong sa iyo na matapatan ang Warrior of Dawn.

IBA PANG MLBB GUIDES
3 mabisang pangontra kay Gatotkaca sa Mobile Legends
I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban
Top 5 Emblems at Talents na OP sa bagong emblem system
Swak ang bagong item na Starlium Scythe sa mages na ito
3 best heroes na pwedeng gamitan ng Basic Common Emblem

Tatlong hero counter kay Tigreal sa Mobile Legends

Diggie

Mobile Legends: Bang Bang Pigeoneer Diggie skin
Credit: Moonton Games

Ang unang hero sa listahan ay si Diggie. Ito ay dahil ang kanyang skillset ay perpektong angkop sa pag-counter ng mga team fight initiators na may maraming crowd control, at dito rin kilala si Tigreal.

Maaring pigilan ni Diggie ang Sacred Hammer ni Tigreal gamit ang Reverse Time at Auto Alarm Bomb.

Ang naglalagay sa kanya sa kalamangan ng laban na ito ay ang kanyang ultimate na Time Journey, na nagtatanggal ng lahat nang crowd control effects para sa mga kalapit na kaalyado. Dahil dito ay nagiging mahirap para kay Tigreal na maisagawa ang kanyang Flicker-Implosion combo sa panahon ng mga team fight.

Upang maitodo ang potensyal ni Diggie, dapat bigyan ng prayoridad ng mga manlalaro ang skill na Fleeting Time para sa cooldown reduction ng ultimate.

Maaari rin nilang gamitin ang Flameshot upang kanselahin ang Implosion kung ang Time Journey ay naka-cooldown.

Valir

Credit: Moonton Games

Ang isa pang mahusay na hero para sa pag-counter sa mga tank, kabilang si Tigreal, ay si Valir.

Ang Burst Fireball ay maaaring makakita ng malapit na mga bushes at makaka-abala sa mga kalaban na tank na magsimula ng team fight. Maari niyang gamitin ang Searing Torrent upang itulak pabalik ang sinumang kaaway na pumasok sa laban.

Si Valir rin ay may built-in na Purify spell sa Vengeance Flame, na nagbibigay sa kanya ng madaliang paraan para makatakas sa Implosion ultimate ni Tigreal.

I-consider ang pagkuha ng Ice Queen Wand para sa slow effect at Glowing Wand upang taasan ang iyong magic power. Kung laban ka sa isang team na may maraming initiators, ang Winter Truncheon ang iyong pinakamabuting sandata.

Khufra

MLBB Khufra
Credit: Moonton Games

Isang paraan upang kontrahin ang isang kalaban na may malakas na mga initiation skills ay pumili ng isang hero na mahusay din sa parehong istilo. Si Khufra ay isang mahusay na pick kapag humaharap kay Tigreal dahil pareho silang mayroong maraming crowd control skills.

Ang naglalagay kay Khufra sa ibang antas ay ang kanyang Bouncing Ball skill, na maaring kanselahin ang Sacred Hammer at Flicker-Implosion combo ni Tigreal.

Hindi tulad ng Implosion, ang ultimate ni Khufra na Tyrant’s Rage ay hindi maaring ma-kansela ng mga stun at suppressions.

Sa isang laban sa pagitan ng dalawang herong ito, ang tagumpay ay magdedepende sa kung sino ang mas magaling mag-set up ng laban. Kung parehong magagaling ang mga manlalaro, si Khufra ang mas makakakuha ng kalamangan.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Paano itago ang match history sa Mobile Legends