Ang Gamer’s Paradise, na hatid ng ONE Esports, ay isang variety talk show series na itinakda para ipagdiwang ang malagong gaming at esports scene sa Asia Pacific, kung saan saklaw ang mga bansa gaya ng Indonesia, Japan, Malaysia, Philippines, South Korea, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Kinatatampukan ng pinakamahuhusay na esports players, pati na rin ng mga broadcast at influencer talent sa rehiyon, tatalakayin ng bawat episode ang pinakamalalaking gaming titles maging ang mga kalakalaran sa loob ng lumalawak na industriya.

Nakatuon ang unang episode sa isa sa mga pinakasikat na esports titles sa rehiyon—ang Mobile Legends: Bang Bang. Tampok ang sikat na “Super Host” at emcee na si Eri Neeman at Mika “MikaFabs” Fabella ng ONE Esports, para sagutin kung ano nga ba ang mga katangian ng mga magagaling na roamer sa MLBB at kung paano makakapagsimula ang mga aspiring esports content creators.


Live na ang unang episode ng Gamer’s Paradise



Binuksan ng The Pulse segment ang episode, kung saan pinagdebatihan ng mga caster ng MLBB Professional League Philippines (MPL PH) na sina Dan “Leo” Cubangay at Theo “Uomi” Ignacio kung ano nga ba ang pinakamabisang tipo ng roamer sa MLBB.

Kargado ng mahabang karanasan bilang casters sa MPL PH at iba’t-ibang international tournaments gaya na lang ng MLBB Southeast Asia Cup (MSC), masigasig na sinagot ng dalawa ang mga katanungan, bagamat hindi sila sumang-ayon sa palagay ng isa’t-isa.

“I need an initiator, I need someone who is willing to put themselves on the line,” ani Leo. Dagdag niya, kailangan din daw na hindi nagdadalawang-isip ang isang magaling na roamer at may kakayahan na gabayan ang kanyang koponan para magawa ang gusto nilang play.

Hindi naman pinalagpas ni Uomi ang pagkakataon para bumanat. “It’s a 5v5 game, so being a ‘doer’ without actually considering or thinking about your teammate is a dumb way to die in the game,” buwelta niya.

“Being the ‘doer’ does work sometimes if you’re looking at amateur games, but it’s different when you’re talking about professional games.” Ibinigay niya ring halimbawa si Dylan “Light” Catipon, ang roamer ng RSG PH na kampeon ng MPL PH Season 9 at MSC 2022.

Gamer's Paradise Episode 1 recap: Ano nga ba ang mga katangian ng magaling na roamer sa MLBB?
Credit: ONE Esports

Siya raw ang isa sa pinakamahusay na roamer sa kasalukuyang meta para kay Uomi, at isa sa mga dahilan ng kanyang mga napagtagumpayan ay ang kakayahan niyang alamin kung kailan dapat at hindi dapat gumawa ng play.

Sumalang naman sa hot seat ng Hero Story segment si Mara Aquino, ang host at presenter ng MPL PH. Lumipat siya mula traditional sports papuntang esports noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, sa tulong ng MLBB, ang una niyang mobile game.

“I try to ask something that the commentators cannot answer,” paliwanag niya kung paano niya napapalabas ang kulit ng mga player. “How are they feeling? What are they thinking?”

Gamer's Paradise Episode 1 recap: Ano nga ba ang mga katangian ng magaling na roamer sa MLBB?
Credit: ONE Esports

Nagbigay din siya ng payo para sa mga gustong sumunod sa kanyang yapak: makinig sa mga tinitingala mong tao patungkol sa mga paraan kung paano mag-improve at huwag magpahatak sa boses ng iba at ng social media.

Inikot din ni MPL Indonesia caster Monica “Momochan” Mariska ang W Bali sa segment na Gamer’s Haven. Bukod sa regional tournament, nakapag-cast na rin si Momochan sa mga international tournaments gaya ng M3 World Championship at ang katatapos lang na MSC 2022.

Paboritong hero niya raw si Grock, “I like to play the kind of hero that’s always in front,” paliwanag niya. “I’m not that good at playing as a carry. I excel at supporting my teammates. So I can say that being a tank is currently my favorite role.”

Ume-ere ang Gamer’s Paradise nang live kada Lunes sa mga social channel ng ONE Esports, gaya ng FacebookTwitchYouTube, at AfreecaTV, tuwing 8.30 p.m. GMT+8.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Blacklist kampeon ng SIBOL MLBB IESF WEC qualis, Coach BON CHAN pangungunahan ang team sa Indonesia