Nagbahagi ng kanyang palagay si Aiman “Laphel” Kaman tungkol sa kung anong maaaring gawin ng mga Mobile Legends: Bang Bang teams mula sa Malaysia para maging handa sa M4 World Championship.

Sa isang post na inilathala sa kanyang opisyal na Facebook page, ibinahagi ng Malaysian caster na nakausap niya si Brian “Panda” Lim, ang coach ng RSG Philippines, noong 30th Southeast Asian Games.

Nagsilbi kasi noon si Laphel bilang coach ng national MLBB team ng Malaysia, at nagmula ang kanyang suhestiyon sa kanilang diskusyon ng noo’y coach ng SIBOL.

Paano makatutulong ang pag-bootcamp para sa Malaysian teams, ayon kay Laphel

Laphel: 'Bootcamp sa PH o ID, makatutulong sa Malaysian teams para maging handa sa M4'
Credit: Laphel

Ani Laphel, mahusay naman ang mga Malaysian players sa mechanical na aspeto. Hindi rin sila kinulang sa pagiging masipag at creative. Gayunpaman, makatutulong para sa kanila ang mamulat at matutupad ito sa tulong ng pagbu-bootcamp.

“What I think we should do is to invest in opening their eyes and mind by doing a bootcamp in other regions like Indonesia and Philippines,” sulat niya.

Makatutulong daw ito lalo sa mga coach, lalo na’t alam naman na ng mga Malaysian players kung paano mag-isip ang ibang manlalaro.

“I believe our coaches should get into the mind of other coaches as well,” dagdag ni Laphel.

Makapagbibigay ang pagbu-bootcamp ng bagong ‘sense of passion’ para sa mga coach at manlalaro. Makatutulong din daw ito para matignan ang laro mula sa ibang pananaw, ayon kay Laphel.

Sinang-ayunan naman ni Matthew Chan, ang Regional VP of Operations ng EVOS Esports, ang palagay na ito. Talentado naman daw ang mga manlalaro mula Malaysia at hindi na in-game preparation ang kakulangan para sa mga ito.

Laphel: 'Bootcamp sa PH o ID, makatutulong sa Malaysian teams para maging handa sa M4'
Photo courtesy of MSC 2022

“If given the right prep, Malaysia’s infrastructure should be able to win ID/PH too… Todak, Team SMG, Orange Esports, RSG Malaysia, Team Caracal, [and] MAB Esports really [have] what it takes to be [an] international-level team,” ani Chan.

Nagtapos sa 5th-6th place ang kampanya ng parehong pamabato ng Malaysia—Orange Esports at Todak—noong nagdaang MLBB Southeast Asia Cup 2022. Nabigo sila sa quarterfinals ng lower bracket mula sa kamay ng Falcon Esports, ang nag-iisang pambato ng Myanmar, at Smart Omega, na noo’y defending champions.


Para sa mga karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Gusto mo ba maging MLBB pro player? Ito ang maipapayo ni Demonkite sayo