Inamin ni Allan “Lusty” Castromayor na nawalan ng chemistry ang Bren Esports noong nakaraang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Matatandaang noong ikawalong season ng liga ang unang beses na nabigo ang Bren Esports na maka-qualify sa playoffs. Ani Lusty sa isang panayam kasunod ng pagkakaselyo ng una nilang panalo ngayong season, nagkaroon daw ng tampuhan sa loob ng koponan.

Lusty ibinahaging nawalan ng chemisty ang Bren Esports noong nakaraang MPL PH season
Credit: MPL Philippines

Bakit nawalan ng chemistry ang Bren Esports noong MPL PH Season 8

Lusty ibinahaging nawalan ng chemisty ang Bren Esports noong nakaraang MPL PH season
Credit: MPL Philippines/Screenshot ni Jeremiah Sevilla

Nasariwa na noong ika-anim linggo pa noong nakaraang season ang huling panalo ng Bren Esports bago mapagtagumpayan ang serye kontra Smart Omega sa ika-apat na linggo ng gumugulong na regular season.

Nang tanungin ang mga nangyari sa loob ng koponan sa loob ng nasabing panahon, inamin ng beteranong roam player na nagkaroon ng mga tampuhan at ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga dati nilang miyembro.

“Noong season eight pa lang, noong week six, simula noong nanalo kami sa TNC, ‘yung last na panalo namin, hanggang malaglag kami sa season eight, wala na, wala na talagang chemistry. Kanya-kanyang sisihan,” paliwanag niya.

Sa kabila nito, inamin din ni Lusty na okay na ang sitwasyon sa loob ng koponan ngayon. Nakatulong din ang pagre-rebuild ng kanilang lineup papasok sa MPL PH Season 9.

“Nagsilipat na ‘yung iba. Nagpahinga si [Ribo], si [KarlTzy] lumipat ng ECHO… parang ‘yung natira na lang sa lineup naming five, ‘yung dalawa, so okay na… wala nang tampuhang nangyayari sa loob,” sabi ni Lusty.


Samantala, patuloy pa ring sinusubukan ng Bren Esports na maka-alpas mula sa ikawalong puwesto ng MPL PH Season 9 standings.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Hadji bilang jungler malabo mangyari ngayong MPL PH S9 ayon kay Coach BON CHAN