Ang mga pinakamalalaking Mobile Legends: Bang Bang stars ay nagsama-sama sa pinakamalaking esports league ng Pilipinas.

Para sa mga fans, si Michael “MobaZane” Cosgun at iba pang mga local MLBB stars ay magiging guest panelists sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH Season 9) playoffs.

MobaZane magiging guest panelist kasama ang ilan sa mga pinakamalaking MLBB stars sa MPL PH Season 9 playoffs

MPL PH Season 9 playoffs BON CHAN Duckey
Credit: MPL Philippines

Ang announcement ay ipinost sa MPL Philippines Facebook page, kung saan inilahad na mayrrong mga nakatalagang guest panelist sa bawat araw ng tournament.

Sa unang round, ang Blacklist International head coach na si Kristoffer Bonn “BON CHAN” Ricaplaza at BREN Esports head coach na si Francis “Duckey” Glindro ang mga guest panelists.

Hindi inanunsyo kung sino ang dalawang panelists para sa pangalawang araw, pero sa iaktlong araw, ang English-language caster na si Joseph Charles “Naisou” Rezabek ay sasamahn ng North American star at M3 World Championship finalist na si MobaZane.

Sa huling araw, tatlo sa mga pinakamaimpluwensyang MLBB stars sa Pilipinas na sina Setsuna “Dogie” Ignacio, Elyson “GHOST Wrecker” Caranza, at Billy “Z4pnu” Alfonso ang bubuo ng panel para sa pagtatapos ng tournament.

MPL PH Season 9 playoffs Z4pnu Dogie GHOST Wrecker
Credit: MPL Philippines

Nagsimula ang MPL PH Season 9 playoffs noong April 28 at magtatapos sa May 1.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.