Sa pagbabalik ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 9 (MPL PH S9) sa offline setting, bumuhos ang aksyon mula sa iba’t-ibang teams sa ikatong linggo ng regular season.

Patuloy pa rin sa pagragasa ang ECHO sa kanilang winning streak nang patumbahin nila ang RSG PH upang manatiling numero uno sa kasalukuyang standings.

MPL PH S9 3martzy Karltzy
Credit: MPL PH

Nananatiling maganda ang karera ng TNC Pro Team sa kasalukuyang season matapos talunin ang RSG PH sa score na 2-0. Nasa ikatlong pwesto ng kasalukuyang standings ang phoenix team.

Napagtagumpayan ng RSG PH ang defending champions na Blacklist International sa Game 3 ng series kung saan nakakuha ng Triple Kill si Eman “EMMAN” Sangco bago kunin ang Luminous Lord at tuluyang tapusin ang match sa score na 2-1. Magandang bawi ito sa pagtatapos ng MPL PH S9 Week 3 para RSG PH matapos nilang makatikim ng dalawang talo sa kamay ng TNC Pro Team at ECHO.

Nakuha naman ng Blacklist International ang kanilang unang panalo nang makaharap nila ang BREN Esports, salamat sa Uranus ni Edward” Edward” Dapadap na naging sandalan ng defending champions sa dalawang games ng series na tinapos nila sa score na 2-0. Dahil sa match na ito, tanging BREN na lang ang natitirang team na wala pang panalo sa MPL PH S9.

Isang reverse sweep naman ang nagawa ng ONIC PH laban sa TNC Pro Team. Disiplina ang naging susi ng ONIC PH upang makuha ang tagumpay at baligtarin ang laban salamat sa suporta mula sa kanilang veteran captain roamer na si Allen “Baloyskie” Baloy. Ayon sa kapitan, bukod sa panalo at standings, mas binibigyang pansin nila ang pagbalik ng kanilang form na syang nagdala sa kanila sa grand finals ng MPL PH Season 8 at M3 World Championship.

MPL PH S9 Baloyskie
Credit: MPL PH

Kakaibang Smart Omega naman ang nakita ng marami sa Week 3 ng MPL PH S9, na malayo sa team na napanood natin noong mga nakaraang linggo nang talunin nila ang ONIC PH at Nexplay EVOS sa parehong score na 2-1. Ayon kay Patrick “E2MAX” Caidic, kakaibang enerhiya ang ibinibigay ng offline setup na syang tumulong sa kanila upang manumbalik ang lakas ng mga tinaguriang “Comeback Kings” ng liga.

MPL PH S9 Smart Omega
Credit: MPL PH

Narito ang kabuuang resulta ng MPL PH Season 9 Week 3:

Marso 4 (Biyernes)

TEAMRESULTSTEAM
TNC2 – 0RSG PH
ONIC PH1 – 2Omega Esports

Marso 5 (Sabado)

TEAMRESULTSTEAM
Blacklist International2 – 0Bren Esports
ECHO2 – 0RSG PH
Nexplay EVOS1 – 2Omega Esports

Marso 6 (Linggo)

TEAMRESULTSTEAM
TNC1 – 2ONIC PH
Blacklist International1 – 2RSG PH

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.