Bangungot ang kayang dalhin ng Khaleed sa Mobile Legends, lalo na kung hawak ng magilas na player. Bukod-tangi kasi ang skill set ng karakter na kayang magpakawala ng sandamukal na damage, kasama pa desenteng survivability.

Kaya naman, isa sa mga pinaka-kinatatakutang hero sa early game ang Desert Scimitar.

Dahil sa passive ability niya na Sand Walk, mabilis siyang nakakagalaw sa mapa, na nagbibigay daan para mapatama niya ang kaniyang Desert Tornado skill. Pinapadali din ng passive ang pagpapatama ng kaniyang Raging Sandstrom ultimate —na bukod sa pagiging pambihirang initiation ability ay kargado ng damage at crowd control effects.

Sa usapan naman tungkol sa depensa, napakalaki ng nagagawa ng Quicksand Guard skill niya para ma-sustain ang lane. Binibigyan kasi nito ng abilidad si Khaleed na mag-regen ng HP ng mabilis nang hindi kinakailangang bumalik ng base.

Bagamat hindi maikakaila ang lakas ng hero, may piling mga karakter sa Land of Dawn na hindi niya gugustuhing makatapat.


Pangontra ang heroes na ito kay Khaleed sa MLBB

Yu Zhong

Mobile Legends: Bang Bang Exorcist Yu Zhong wallpaper
Credit: Moonton Games

Nagagawa ni Khaleed na dominahin ang early game dahil sa pambihira niyang uptime ngunit katapat ang singtikas na bruiser tulad ng Yu Zhong, hindi kasing bilis makakakuha ng items ang fighter.

May kapasidad kasi ang Black Dragon na makipagpalitan ng atake gamit ang Dragon Tail at Soul Grip. Sa dikdikan, malaking kalamangan ang Black Dragon Form ultimate dahil napapalakas nito ang Basic Attacks at Skill effects ng hero.

Bukod sa active skills, may karga ding Sha Residue ang bawat Basic Attack ni Yu Zhong kung kaya’t delikado makipagsabayan ang Khaleed dito. Kapag napuno ang bar ng Sha Residue, masusunog ang HP bar ng Desert Scimitar habang mag-reregenerate naman ng HP ang Black Dragon.

BASAHIN ANG GUIDES PARA KAY YU ZHONG DITO
Kontrahin si Yu Zhong gamit ang 3 best heroes na ito sa Mobile Legends
Pambihira ang kaya mong gawin gamit ang 3 advanced Yu Zhong combos na ito sa Mobile Legends

Melissa

Mobile Legends: Bang Bang marksman Twinge Weaver Melissa skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Kung isa kang marksman main at katapat mo Khaleed sa laro, isa ang Melissa sa mga pinakamainam na picks.

Gaya ng lahat ng heroes sa kaniyang class, sa pitpitang labanan malakas ang Khaleed dahil sa kaniyang melee-ranged Basic Attacks at skills. Ito lamang ang kinakailangan mong pagbasihan kung bakit epektibong pangontra ang Melissa sa nasabing hero.

BASAHIN ANG GUIDES PARA KAY MELISSA DITO
Mobile Legends Melissa guide: Best build, skills, emblem, at mga combos
3 best hero counter para kay Melissa

Mabibilang sa mga daliri ang mga hero sa makakatalo sa marksman pagdating sa range-control, dahil pambihirang distansya at damage ang  naibibigay ng kaniyang Falling! at Eyes on You! abilities.

Ngunit ang pangunahing rason kung bakit magandang pick ang hero laban sa fighter ay ang kaniyang Go Away! Ultimate. Kapag ginamit mo ang skill na ito, mapipigilan mo ang anumang tangka ng kalaban na malakapit sa iyo dulot ng knockback effects ng field of protection mula sa skill.

Bagamat mapanganib pa rin ang Raging Sandstorm ultimate niya, magagawa mo itong ma-dodge dahil angat ang marksman sa mobility.

IBA PANG MLBB GUIDES
Kontrahin si Valentina gamit ang 3 hero na ‘to sa Mobile Legends
Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to
Pabagsakin si Mathilda gamit ang 3 best counters na ‘to
3 best items para kay Brody upang pumunit ng mga kalaban sa MLBB
Step-by-step guide kung paano makuha ang Lord sa Mobile Legends

Chou

Mobile Legends: Bang Bang ECHO Chou skin wallpaper
Credit: Moonton Games

Si Chou ang isa sa pinakamalakas, kung hindi ang pinakamalakas na pangontra sa Khaleed sa Mobile Legends. Laruin mo man bilang EXP laner o roamer, pambihira ang kayang gawin ng Kung Fu Boy sa kalabang fighter dahil sa kaniyang angat na mobility at crowd control abilities.

Maaaring gamitin ang Jeet June Do bilang initiation tool (bilang roamer) o di kaya naman ay lane control ability (kung EXP laner) kontra sa Khaleed. Kayang pigilan ng knockback effects ng skill na ito ang Quicksand Guard kung kaya’t putol ang uptime ng kalaban. 

BASAHIN ANG GUIDES PARA KAY CHOU DITO
Pano maging magaling na Chou player? Ito ang tips ni Chou God Yawi
ML Basic Build sa Chou: Madaling Item Build at Guide sa Roam Chou (Pos 5)
ML Basic Build sa Chou: Madaling Item Build at Guide sa sustain-build na EXP Lane Chou

Bukod dito, maaari rin ma-dodge ng Chou ang pokes ng Desert Scimitar gamit ang Shunpo. Kung tagumpay ang Kung Fu Boy na magawa ito ng paulit-ulit sa laning stage ay siguradong mapupurnada ang early game power spike ng kalabang fighter.

Malaki rin ang magagawa ng The Way of Dragon ultimate kontra sa Khaleed dahil kaya nitong dalhin ang fighter sa alanganing posisyon — kung hindi isa ilalim ng tore ay kaya niyang sipain ang Khaleed papunta sa kaniyang mga kakampi.

Para sa iba pang guides sa MLBB, sundan lamang ang Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: 3 pinakamalakas na pangontra kay Dyrroth sa Mobile Legends