Ang tapatang ONIC PH vs ECHO na marahil ang pinakamakapigil-hiningang sagupaan na naganap sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Sa sobrang init ng bakbakan na nagtapos sa isang 2-1 reverse sweep para sa ONIC, nasabi pa nga ni veteran EXP laner Gerald “Dlarskie” Trinchera sa post-match interview na “feel ko ayun ‘yung pinakamatindi kong laban talaga” at “sa tinagal-tagal ko sa MPL, ‘yun ‘yung favorite kong laban.”

Nagsimula ang series comeback sa kapana-panabik na Game 2 kung saan pinagana ng ONIC PH ang Johnson-Kadita combo at pinatikim ang “super team” ng ECHO ng sarili nitong medisina.


Paano pinagana ng ONIC PH ang Johnson-Kadita combo sa Game 2 kontra ECHO

Credit: MPL Philippines

Drafting phase

Kumuha ang ONIC PH ng tatlong core heroes sa first at second picking phase–Ling kay Kairi “Kairi” Rayosdelsol, Beatrix kay Marky “Markyyyy” Capacio at Esmeralda kay Dlarskie. Tinanggal nila ang Diggie na nagsilbi ring counter sa Aulus pick ng ECHO para kay Karl “KarlTzy” Nepomuceno.

Pagtapos kuhain ng ECHO ang Kagura para kay Jankurt “KurtTzy” Matira, naiwang bukas ang Johnson-Kadita duo at agad itong sinunggaban ng ONIC para kila kapitan Allen “Baloyskie” Baloy at Jaylord “Hatred” Gonzales.

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Gameplay

Si Baloyskie (Johnson) ang nag-lane sa mid habang si Hatred (Kadita) naman ang bumili ng roaming item. Pagka-level 4 ni Baloyskie, dito na nagsimulang gamitin ng ONIC ang ganking potential ng Johnson-Kadita kaya naman nakaarangkada sila sa early to mid game lalo na’t madali ring nakakaresponde ang Ling ni Kairi sa destinasyon ng Johnson-Kadita.

Ngunit hindi katulad ng nagawa ng ECHO laban sa Blacklist International, hindi agad natapos ng ONIC ang laro dahil nagsilbing pader ang Uranus mo Frediemar “3MarTzy” Serafico. Sa katunayan pa nga, ang Aulus lang ang pinakamaiging target ng Johnson-Kadita dahil may pantakas ang Lylia ni Benedict “Bennyqt” at Kagura ni KurtTzy habang ang Ruby ni Tristan “Yawi” Cabrera naman ay mas gusto pang saluhin ito para mas madaling makapag-set.

Mautak na nalampasan ng ONIC ang sitwasyon na ‘to sa ikalawang Lord take sa bandang 13-minute mark gamit ang “fake Johnson” play. Hindi sumakay si Hatred kay Baloyskie at nag-solo conceal para maikutan ang nagco-contest na ECHO sabay bitaw ng kanyang pamatay na combo. Nagresulta ito sa 3-for-2 exchange para sa ONIC at dahil damay din ang retri holder ng mga Orca, nakuha ng PH Yellow Hegdgehogs ang Lord.

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Nakapag-hold ang ECHO at habang patagal nang patagal ang laban, mas kumukunat na sina 3MarTzy at Yawi at nagkaka-item na rin ang ibang heroes ng ECHO, lalo na ang Aulus ni KarlTzy na alam naman nating nakakatakot sa late game. ‘Yun nga lang, hawak pa rin ng ONIC ang map control dahil sa presensya ng Johnson-Kadita at napipilitang mag-group up ang ECHO.

Sa pagkakataong ito na nag-shine ang Esmeralda ni Dlarskie. Lagi siyang umaali-aligid sa pwesto ng ECHO para mag-provide ng vision nang sa gayon ay makita ni Baloyskie kung nasaan si KarlTzy at ma-target ito. Bagamat lumalamang sila sa mga clash, naging mapagpasensyo pa rin sina Baloyskie at kanyang mga kakampi at hinihintay lang ang pag-respawn ng Lord.

Ngunit matapos mag-sacrifice ni Baloyskie para masira ng ONIC ang lahat ng inhibitor turrets ng ECHO kasama ang Lord sa 18-minute mark, lumabas ang killer instinct ng super team at nagtangka pang maka-comeback pagkatapos mapitas si Hatred sa river area. Nabasag nila ang mid inhibitor ng ONIC pero nakapag-hold pa rin sila Dlarskie, Markyyy at Kairi at nabigyan ng oras na makapag-respawn sina Baloyskie at Hatred.

Dito na gumawa ng dalawang clutch plays si Baloyskie para maiselyo ng ONIC ang panalo at maitabla ang serye.

Una niyang nahanap ang apat na miyembro ng ECHO na nagtatago sa mahabang bush sa mid. Nagkaroon ng 2-for-2 trade pero lumamang ang ONIC dahil napatay ang Aulus kaya sila ang nakakuha ng Luminous Lord. Sa kanilang final push, nahanap na naman ni Baloyskie si KarlTzy sa base para tuluyang maipako ng ONIC ang 21-minute victory.

Credit: MPL Philippines
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Ipinaliwanag ni Dlarskie kung bakit ginamit at pinagana ng ONIC PH ang Johnson-Kadita combo kontra sa ECHO na nauna nang pinakita ito sa MPL PH Season 9.

“‘Yung Kadita-Johnson po kasi nanggaling sa BTR (Bigetron Alpha) ng Indonesia. ‘Pag nakaka-scrim po namin sila, may idea na po kami kung paano ‘yun kontrahin, paano ‘pag ginamit namin. ‘Tska dati po kasi Johnson god talaga si Baloy. Kaya parang sabi namin, ‘Ito na panahon mo na ‘to!'”


Para sa iba pang istorya patungkol sa MPL Philippines at Mobile Legends sa kabuuan, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.