Naging mahirap ang simula para sa North American organization na Sentinels sa VCT NA Stage 2 Challengers group stage. Dahil sa pagkatalo sa Luminosity, Evil Geniuses, at OpTic Gaming, ang team ay kasalukuyang 0-3 sa Main Event at maaaring hindi makapasok sa playoffs.
Ngunit hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Maaari pang makalusot patungo sa susunod na parte ng tournament sina Tyson “TenZ” Ngo at ang kanyang team, subalit kinakailangan nilang ipanalo ang kanilang dalawang natitirang matches laban sa FaZe Clan at Cloud9.
Ang pagkapanalo ng FaZe sa Cloud9 noong Week 3 ang naging lifeline ng Masters Reykjavik 2021 champions, na maaaring maging daan para sa isang potensyal na tie sa maraming teams.
Sentinels kailangang talunin ang FaZe Clan at Cloud9

Ang FaZe at Cloud9 ay kasalukuyang nasa ikaapat at ikalimang pwesto sa Group B na may 1-2 record. Makakalaban ng FaZe ang Sentinels sa Week 4, at Evil Geniuses naman sa Week 5. Samantala, nakatakdang makalaban ng Cloud9 ang Luminosity sa linggong ito, na susundan naman ng Sentinels sa kasunod na linggo.
Kung ang FaZe at Cloud9 ay mananalo laban sa Evil Geniuses at Luminosity, magiging tabla sa 2-3 match records ang FaZe, Cloud9, at Sentinels.
May tatlong magkakaibang pamantayan ang kailangang tignan upang matukoy ang placement kapag may tabla, ayon sa VCT NA Stage 2 rulebook: Map win percentage sa group stage, round win percentage, at team seeding bago magsimula ang group stage.
Ang mga teams na nasa fourth at fifth place ay maglalaro sa isang best-of-three tiebreaker match, kung saan ang mananalo ang makakakuha ng fourth place.

Subalit may isang exception sa rule na ito na papabor sa Sentinels. Kung ang isang team sa isang three-way tie ay merong head-to-head advantage laban sa dalawang teams, sila ang makakakuha ng p[ionakamataas na standing sa tie.
Kung sakaling matatalo ng Sentinels ang FaZe at Cloud9, malalagay sila sa eksaktong sitwasyon na ito kung saan mangingibabaw sila kung magkakaroon ng three-way tie kasama ang dalawang teams.
Sakali namang matalo ang FaZe at Cloud9 sa kanilang mga susunod na laban, at parehong maipanalo naman ng Sentinels sa kanila, makakapasok ang squad ni Shahzeb “ShahZaM” Khan sa playoffs nang hindi na kailangan pang dumaan sa tiebreaker.
Dahil sa kanilang 2-3 record ay malalampasan nila ang FaZe at Cloud9, na maiiwan sa ibaba ng standings na parehong may 1-4 record.
Makakalaban ng Sentinels ang FaZe sa June 5, kasunod naman ng Cloud9 sa June 13.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.