Inanunsyo ng Team Secret ang pag-alis ng coach ng kanilang Valorant roster.
Sa isang social media post, pinasalamatan ng organisasyon si Gilbert “Gibo” Sales at bahagyang ipinaalala kung paano sila gumawa ng kasaysayan. Ang naturang post ay shinare ni Coach Gibo sa kanyang sariling page kaakibat ang isang mensaha para sa kanyang mga manlalaro.
“To my boys, it’s truly an honor and a privilege to be your coach. Thank you for trusting me since the start. As I have said a hundred times to you guys, I am the first and will be the last to believe in what you guys are capable of. Please keep on supporting these wonderful guys,” sulat ni Coach Gibo.

(Para sa aking mga manlalaro, isang karangalahan at pribileheyo ang maging coach niyo. Salamat sa pagbibigay sa akin ng inyong tiwala simula pa man. Tulad nga ng sabi ko, ako ang una at huling tagapaniwala sa inyong kakayahan. Sana’y ipagpatuloy niyo ang pag suporta sa kanila.)
Ipinabatid din ng coach na nais niya munang bigyang pansin ang kanyang sarili at babalik na lang kapag handa na siya.
Ang kampanya ng Team Secret sa Valorant Champions 2021 kasama si Coach Gibo

Lumipat ang mga manlalaro kasama si Coach Gibo mula Bren Esports papuntang Team Secret ilang araw matapos mabigong makadalo ng koponan sa VCT VCT Masters Berlin dahil sa isyu sa kanilang visa.
Sa kabila nito, naka-qualify pa rin ang Team Secret sa Valorant Champions 2021 matapos maging sapat ang kanilang nalikom na VCT circuit points mula sa naunang tatlong stages ng Valorant Champions Tour.
Sa kauna-unahang world championship ng laro, ginulat ng Team Secret ang komunindad matapos nilang tapusin ang group stage ng turneo sa ikalawang puwesto.
Naka-abante pa ang koponan sa playoffs pero bigo silang malampasan sa quarterfinals ang kalauna’y kampeon ng turneo na Acend.
Natuldakan ang kanilang kampanya sa 5th-8th place at nag-uwi rin sila ng $40,000, o higit ₱2 milyon.
Valorant roster ng Team Secret
- Jessie “JessieVash” Cuyco
- Jayvee “DubsteP” Paguirigan
- Jim “BORKUM” Timbreza
- Kevin “Dispenser” Te
- Riley “witz” Go
Sa ngayon, wala pang pahayag ang Team Secret kung sinong papalit sa puwang na iniwan ni Coach Gibo.
BASAHIN: Pinoy agent Neon: Valorant trailer, posibleng abilities, release date