Napakaraming nangyayari sa iba’t ibang mga Valorant rosters.
Ang North American organization na 100 Thieves ay naiulat na idadagdag ang dating XSET star na si Matthew “Cryoceells” Panganiban sa kanilang Valorant roster, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.
Magmula nang magbukas ang VCT 2023 pre-season transfer window noong September 26, naging abala na ang mga teams na nakapasok sa franchising na mas lalong palakasin ang kanilang Valorant rosters sa tulong ng maraming top free agents sa merkado.
Cryocells maaaring nakahanap na ng bagong tahanan sa 100T

Ang buong Valorant roster ng XSET ay mapupunta sana sa G2 Esports, isang organisasyon na makakakuha dapat ng partnership spot sa Americas league.
Subalit naglahong parang bula ang pagkakataong ito matapos mag-post ng isang video ang CEO ng G2 na si Carlos “ocelote” Rodriguez kung saan makikita siyang nagpa-party kasama ang kontrobersyal na influencer na si Andrew Tate. Mas lalong lumala ang sitwasyon nang sumagot si ocelote sa mga kritiko at mapilit na sinabing walang maaaring mamulis ng kanyang pakikipagkaibigan.
Dahil hindi nakapasok ang XSET sa VCT 2023 international league at nawala ang partnership ng G2 Esports, ang 19-anyos at kanyang mga teammates ay nangangailangang makahanap ng bagong tahanan na kanilang malilipatan.
Nakilala si Cryocells bilang isa sa mga pinakamahuhusay na Jett at Chamber players sa North American region. Sa kanyang pangunguna ay tumulong siyang maitawid ang kanyang team sa mga VCT NA Stage 1 at 2 Challengers competitions, pati na rin sa Valorant Champions 2022 kungsaan nagtapos sa 5th-6th place ang XSET.
Hindi ri ito ang unang pagkakataon na sumubok ang 100T na makuha si Cryocells. Sa pagtatapos ng VCT 2021 season, nagpaalam ang 100T kina Nicholas “nitr0” Cannella at Joshua “Steel” Nissan, na nagbukas ng dalawang roster spots.
Ayon kay Spencer” Hiko” Martin, kapitan ng team noong panahon na iyon, kinonsidera ng 100T na kunin sina Cryocells at Alexander “Zander” Dituri. Ngunit hindo ito natuloy, at napunta si Cryocells sa XSET habang si Zander naman ay sa Version1.
Wala pang opisyal na anunsyo mula sa 100T o sa kanilang mga players, kung kaya’t hindi pa malinaw kung sino ang papalitan ni Cryocells sa starting roster. Malaki ang posibilidad na ito ay si William “Will” Cheng, na isa ring Jett at Chamber player.
Gayunpaman, hindi kailangan ng 100T na bitawan ang kahit sino, dahil ayon sa VCT 2023 roster rules ay kailangan nilang magkaroon ng nim na players sa kanilang roster. Ang maximum na roster size ay hindi pwedeng tumaas sa 10 , kabilang ang apat na reserve players nito.
100 Thieves Valorant roster
- Peter “Asuna” Mazuryk
- Derrek “Derrek” Ha
- Brenden “stellar” McGrath
- William “Will” Cheng
- Sean “bang” Bezerra
- Matthew “Cryocells” Panganiban
- Sean “sgares” Gares (coach)
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.