Tampok ang mga pausbong na Valorant teams sa North America noong mga nakaraang linggo sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifier 2, kung saan naglaban-laban ang mga natitirang koponan para sa huling apat na spots sa main event ng Stage 1 Challengers.
Dahil selyado na mga puwesto sa main event ng Sentinels, Team Envy, 100 Thieves, at Cloud9, hindi na nila kinailangang maglaro sa open qualifiers.
Sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifier 2, naka-qualify sa main event ng Stage 1 ang Evil Geniuses, Knights, Luminosity Gaming, at Rise para masamahan ang Version 1, XSET, The Guard, at NRG na nagtagumpay sa unang open qualifier.
Magsisimula sa ika-11 ng Pebrero ang main event ng Stage 1, kung saan 12 teams ang maglalaban-laban hindi lang para sa spot sa playoffs, kung hindi pati na rin sa pinaka-aasam na pagkakataon na mapabilang sa unang Masters ng VCT 2022 season.

Tampok sa limang best plays na ito ang mga mapangahas na ace, matitinik na lurk plays, at pagpapakitang-gilas.
Top 5 highlights mula sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifier 2
5. C0M ng Akrew, naka-ace kontra SoaR sa Haven
Kilala bilang pausbong na Valorant team ang Akrew matapos nilang maka-score kontra TSM, Pioneers, at Renegades sa open qualifiers. Nakapagtala rin ang koponan ng 34-game win streak sa kanilang mga kampanya sa Nerd Street Gamers Winter Championship Opens, Knights Monthly Gauntlet, at Nerd Street Gamers Winter Championship Rgional LAN Philadelphia, para maka-agaw ng maraming atensyon.
Noong VCT 2022 circuit, muntik nang maka-qualify ang Akrew sa group stage, ngunit nabigo sila kontra The Guard at Built by Gamers.
Sa kabila nito, napatunayan ni Corbin “C0M” Lee na taglay niya ang mechanical talent at malalim na pagkakaintindi sa laro bilang in-game leader ng koponan. Sa upper bracket Round of 16 match kontra SoaR, napigilan in C0M ang pag-push ng kalaban sa C-site ng Haven mula sa Garage matapos ang dalawang mabilis na kills gamit ang Sheriff.
Dahil alam niyang magro-rotate ang natitirang kalaban, nag-push si C0M sa palabas ng Garage papunta sa Mid Window. Niratrat niya ang natitirang tatlong player gamit ang Spectre para maselyo ang ace.
4. Awkua ng Team Rocket, nakapuslit sa likod ng mga kalaban
Nasulit ng Team Rocket ang delikadong play na ‘to noong Round of 64 match nila kontra DarkZero sa ikalawang open qualifier. Habang nasa attack sa Icebox, dahan-dahang naglakad si Marco “Awkua” Li sa may Snowpile sa pagitan ng dalawang defender mula sa DarkZero. Tampok sa play ang kanyang trigger discipline, bago tuluyan ang tatlong player para ma-take ang B-site sa Icebox.
Maaaring ihalintulad ang play na ‘to sa iconic ‘sneaky beaky like’ play ni Janusz “Snax” Pogorzelski ng Virtus.pro noong ESL One Katowice 2014, kung saan sinurpresa niya ang Ninjas in Pyjamas sa Mirage sa grand final.
3. Frosty ng Knights, nagpakitang-gilas gamit ang Sheriff
Muling naipalala ngi Ashton “Frosty” Rakoske kung bakit ang boathouse sa may B site ng Ascent ang isa sa mga puwesto na pinakamahirap i-clear para sa mga attackers. Lamang ang Built by Gamers kontra Knight sa upper bracket quarterfinals nang mapagdesisyunan nilang mag-push sa B nang 30 segundo na lang ang natitira sa round.
Gamit lang ang Sheriff, tagumpay si Frosty sa pagpigil sa kalabang attackers. Tampok pa sa play na ‘to ang collateral Sheriff headshot sa dalawang kalaban.
2. One-man army si Boostio ng Evil Geniuses
Mag-isang inubos ni Kelden “Boostio” Pupello ang Rise sa post-plant setup na ‘to para sa Evil Geniuses noong upper bracket semifinals match nila. Kadalasan, mas mainam na hintayin muna ang mga kakampi bago mag-retake, pero hindi pangkaraniwan si Boostio, na nag-a la Rambo para mapatay ang apat na miyembro ng Rise sa A site ng Bind.
Agad naging highlight ang play na ginawa ng 21-taong-gulang na Skye main matapos niyang pumasok sa loob ng U-hall at pagbabarilin ang apat na Rise attackers gamit ang malulutong na Vandal headshots. natalo ng Evil Geniuses ang Rise sa iskor na 2-1 para maselyo ang spot nila sa main event ng Stage 1 Challengers.
1. 3-segundong ace ni b0i ng Built by Gamers
‘Wag kang kukurap para sa play na ‘to dahil tatlong segundo lang ang kinailangan ni Aaron “b0i” Thao para mag-isang ubusin ang limang kalaban mula sa server para maitala ang isa sa pinakamabilis na ace sa kasaysayan ng VCT.
Ginawa niya ito sa lower bracket semifinal kontra Rise. Ang dating 100 Thieves analyst at player ay makikitang hino-hold ang A Tree mula sa harap ng generator at mukang maiipit ng kalaban na manggagaling mula sa A Main at Tree. Imbis na mag-back, pinalagan ni b0i ang mga kalaban. Naka-tatlo agad siya sa short gamit ang Phantom, tsaka umikot ng 180-degress para maputukan ang ulo ng natitirang dalawang kalaban mula sa A main.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Top 5 plays mula sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1