Nagsimula na ang Valorant 2022 season matapos umariba ang VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1, kung saan naglaban-laban ang pinakamalalakas na koponan para sa pagkakataong maka-qualify sa bagong regional league.

Ilan sa mga nanguna sa unang open qualifier ang Version 1, XSET, NRG Esports, at pausbong na The Guard. Umabante ang mga ito para makasama sa hanay ng Sentinels, Team Envy, Cloud9, at 100 Thieves sa paparating na main event.

Mula sa 128 koponang sumubok, ‘di nabigong magpakitang-gilas ng mga nabanggit matapos magpamalas ng malulupit na clutch plays, aces, at high-IQ plays. Narito ang top five plays mula sa ginanap na VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1.

The Top 5 best plays from VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1

Top 5 plays mula sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1
Credit: Riot Games

5. 1v3 clutch ni Android ng NRG

Napapatunayan na sa wakas ng kargadong Valorant roster ng NRG ang kanilang potensyal matapos nilang maka-qualify para sa paparating na regional league, salamat na rin sa pangunguna ng kanilang in-game leader at dating TSM player na si James “hazed” Cobb.

Sa play na ‘to, ipinakita ni Bradley “Android” Fodor kung gaano kabagsik ang isang Chamber main na may perfect aim. Nagawa niya kasing i-clutch ang isang 1v3 situation kontra Rumor 2.0 sa round-of-128 match ng VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1. Ang malulupit na Headhunter shots na ‘to ay nakatulong para manalo ang NRG sa serye sa iskor na 2-0.

4. alone ng Girl Kissers, naka-ace kontra bagong TSM roster

Mukang may bagong Jett main na dapat abangan mula sa rehiyon. Mag-isa kasing na-ace ni alone ng Girl Kissers ang TSM noong laban nila sa round-of-128 gamit ang Frenzy. ‘Di napansin ng kanilang kalaban ang malikot na manlalaro matapos nilang punan ang C-site.

Sa kabila nito, naungusan pa rin sila ng TSM sa serye, 2-0, para maka-abante sa round-of-32.

3. Solid na tutok ni neT ng The Guard

Napatunayan ng surprise team ng VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1 na The Guard na handa na sliang makipagsabayan sa pinakamalalakas na Valorant teams sa NA matapos nilang maka-qualify sa main event.

Sa play na ito, makikita kung paano naka-4K headshot ang Chamber main ng koponan na si Michel “neT” Bernet sa round-of-32 match kontra FaZe Clan. Ang flawless round win na ‘to ay nakatulong para mapunta sa The Guard ang momentum at mangibabaw sa serye, 2-1.

2. 200 IQ play ni Dicey ng FaZe Clan

Si Quan “dicey” Tran ng FaZe Clan ang may gawa ng pinakamatalinong play sa VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1 matapos niyang mapigilan ang kanyang kakampi na mahila palayo habang nagde-defuse ng spike.

Matapos kasing itanim ng The Guard ang spike sa A-site ng Haven, ginamit ng FaZe Clan ang Lockdown, ultimate ni Killjoy, para makagawa ng space. Sinundan nila ito ng Cosmic Divide ni Astra para ma-block ang vision ng kalaban.

Sinubukan itong kontrahin ng kalabang Astra sa pag gamit ng Gravity Well para mahila palayo ang defuser sa spike. Sa kabila nito, natuloy pa rin ang pagde-defuse dahil nilagay ni dicey ang kanyang sarili sa pagitan ng Gravity Well at ng spike para mapigilan ang kampi niyang si Christopher “LarryBanks” Doyi na mahila palayo sa spike.

1. Si miniature ng Soniq, ang Chamber god

Marami-raming Chamber highlights ang napakita sa kahabaan ng VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifiers 1, pero iba ang ipinakita ni Blake “miniature” Gittins sa play na ‘to.

Winasak niya ang Rise sa B-site ng Ascent para maka-ace a la John Wick. Nagawa niyang mangibabaw sa isang 1v4 situation matapos mapitas ng dalawa niyang kakampi sa entery, salamat sa apat na asintadong Headhunter na sumelyo sa round.

Sa kabila niot, Rise ang nanalo sa serye sa iskor na 2-1, para maka-abante sa quarterfinals. Bumagsak naman sa ikalawang round ng lower bracket ang Soniq dahil dito.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Bakit disqualified ang T1 mula sa VCT NA open qualifier?