Update nitong March 28: Hindi makakarating ang FunPlus Phoenix sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022 dahil sa travel restrictions. Papalitan sila ng Team Liquid bilang EMEA representative.

Malapit nang magsimula ang unang Valorant LAN event ng taon.

Natapos na ang mga Stage 1 Challengers tournaments ng Valorant Champions Tour. Matapos ang dalawang buwan ng qualifiers, play-ins, group stages, at playoffs, 12 squads ang nagtagumpay sa kani-kanilang mga rehiyon. Ang mga qualified teams na ito ay maglalakbay papuntang Iceland upang makipagbakbakan sa international stage.

Itinaas ng mga bagong teams mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang level ng competitive Valorant hanggang sa punto na ang tatlong nagdaang international winners na Sentinels, Gambit Esports (na maglalaro sa ilalim ng neutral banner na M3 Champions), at Acend ay nabigong makapasok sa unang LAN event ng 2022.

Ang tatlong squads na ito ay hindi pinalad na maipagtanggol ang kanilang pwesto sa Stage 1 Challengers.

Ang 12 teams na pasok sa VCT Stage 1 Masters Reykjavik 2022

Lumipat na ang focus sa The Guard matapos nilang manalo sa VCT NA Stage 1 Challengers Playoffs.

Namayagpag ang The guard sa North American region, kung saan winalis nila ang Sentinels, Luminosity Gaming, at Cloud9 para makapasok sa grand final kung saan tinalo naman nila ang OpTic Gaming 3-2 upang manalo sa kauna-unahang VCT event. Nakatakda ang kanilang international Valorant debut sa Iceland.

Valorant Masters Reykjavik 2022
Credit: Riot Games
QUALIFIED TEAMSREGIONPLACEMENT
G2 EsportsEurope2nd place VCT EMEA Stage 1 Challengers Playoffs
FnaticEurope3rd place VCT EMEA Stage 1 Challengers Playoffs
Team LiquidEurope4th place VCT EMEA Stage 1 Challengers Playoffs (Pumalit sa FunPlux Phoenix)
The GuardNorth America1st place VCT NA Stage 1 Challengers Playoffs
OpTic GamingNorth America2nd place VCT NA Stage 1 Challengers Playoffs
DRX Vision StrikersKorea1st place VCT Korea Stage 1 Challengers Playoffs
Paper RexSingapore (Southeast Asia)1st place VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs
XERXIA EsportsThailand (Southeast Asia)2nd place VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs
ZETA DivisionJapan1st place VCT Japan Stage 1 Challengers Playoffs
LOUDBrazil1st place VCT Brazil Stage 1 Challengers Playoffs
KRU EsportsArgentina (Latin America)1st place VCT LATAM Stage 1 Challengers Playoffs
Ninjas in PyjamasBrazil1st place South America Stage 1 Challengers Playoffs

Ang mga top squads na nagtapos sa first place sa kani-kanilang mga Stage 1 Challengers regional competitions ay seeded na sa playoffs ng Masters Reykjavik 2022.

Ang natitirang mga teams ay magsisimula sa group stage ng VCT Stage 1 Masters.

DRX Vision Strikers Masters Reykjavik 2022
Credit: DRX Vision Strikers

Ang VCT Masters Reykjavik 2022 ay magaganap mula April 10 hanggang 24 kung saan paglalabanan ng mga teams ang 3,400 circuit points pool na kakailanganin nila upang mag-qualify sa Valorant Champions sa pagtatapos ng taon.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.