Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkamali ang North American organization na Sentinels sa pagbigay ng prize money sa kanilang mga players na mula sa Valorant Champions noong nakaraang taon.

Makakatanggap dapat ang team ng US$20,000 na prize money dahil sa kanilang pagtatapos sa pwestong 9th to 12th. Ngunit ayon kay Jared “zombs” Gitlin, na ibinangko ng organisasyon, na kalahati lamang ng inaasahang halaga ang natanggap ng kanyang team.

Unang sinabi ni zombs na ibinawas ng Riot Games ang tournament expenses mula sa prize money na dapat ibabayad sa kanila, kabilang na ang COVID-19 tests. Ngunit napag-alaman na ang Sentinel CEO na si Rob Moore ang may gawa nito, at hindi ang Riot.

Ipinaliwanag ni Moore sa isang TwitLonger post kung ano ang nangyari at sinabing nagkamali siya na ibawas ang lahat nang gastos sa perang napanalunan ng mga players. Ang pagkakamaling ito ay naitama na at lahat nang players ay makakatanggap ng karagdagang salapi.

Sentinels CEO nagkamali sa accounting

Sentinels zombs
Credit: Riot Games

Ang post ni moore ay direktang sagot sa komento ni zombs tungkol sa Champions prize pool.

“I wanted to address zombs’ recent comments regarding the prize money from Valorant Champions,” ayon sa kanyang pahayag.

“There were certain expenses deducted by Riot Games from the payout. Some related to player expenses but the majority related to COVID tests and hotel rooms for Sentinels staff. I misread the statement and charged all the expenses against the prize money, reducing the prize payouts by US$1,675.”

Sentinels CEO Prize Money
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Kinilala naman ni zombs ang pagkakamaling naganap at pinasalamatan si Moore sa pag-aksyon sa nasabing issue sa Twitter.

Hindi naman ganoon kalaki ng natititrang halaga at hindi ito masyadong nakakaapekto sa mga players.

Sa katunayan, ang mga top Valorant players ay ‘di umano kumikita ng hanggang US$25,000 kada buwan, at sina zombs at Shahzeb “ShahZaM” Khan ay parehong gumagastos ng pera sa mga luxury watches na libo-libo ang halaga.

Ang four-figure na balanseng natitira sa kanilang Champions prize pool ay maliit na halaga lang kumpara sa kanilang kinikita, na hindi man lang kakasya pambili ng isang Rolex timepiece.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.