Handa na ang entablado para sa mga pinakamahuhusay na teams sa Asia-Pacific region upang maglaban-laban sa VCT APAC Last Chance Qualifier.
Sa pagtatapos ng Master Copenhagen, inilipat ng Valorant Champions Tour ang focus nito sa mga koponan sa Last Chance Qualifiers ng mga rehiyon.
Sa Asia-Pacific region, nakapasok na ang Paper Rex at XERXIA Esports para sa Valorant Champions Istanbul sa pamamagitan ng kanilang VCT circuit points, kung kaya’t may natitira pang bukas na slot para sa isa pang APAC representative.
Ang sampung teams na nakapasok mula sa APAC region ay nakakuha ng pwesto sa VCT APAC Last Chance Qualifier base sa kanilang VCT circuit point standings. Nakapag-ipon sila ng sapat na points mula sa kanilang VCT Stage 1 at 2 runs.
Ang mga dating Valorant Champions 2021 contenders na Team Secret ay naglalayong muling makakuha ng pwesto sa international stage matapos hindi makapasok sa oparehong Masters event ng taong ito. Muntik nang makapag-qualify para sa Masters Copenhagen ang Filipino squad, ngunit natalo sila sa Paper Rex at XERXIA Esports noong VCT APAC Stage 2 Qualifiers playoffs.
Kamuntikan na ring makuha ng Bleed eSports ang kanilang Master debut nang magtapos sila sa ikatlong pwesto sa VCT APAC Stage 1 Challengers playoffs. Ang Singapore-based squad ay tinalo rin ng Paper Rex at XERXIA Esports.
Tampok din sa VCT APAC LCQ ang mga top teams kabilang na ang ONIC Esports, BOOM Esports, Made in Thailand, Fancy United Esports, Griffin E-Sports, CERBERUS Esports, Alter Ego, at ORDER.
Kumpletong listahan ng mga pasok sa VCT APAC Last Chance Qualifier

Narito ang sampung teams na nakapasok at may sigurado nang pwesto sa VCT APAC Last Chance Qualifier na nagsimula noong August 1. Ang mananalong team ay makakapasok sa Valorant Champions Istanbul sa September.
| TEAM | VCT CIRCUIT POINTS |
| Bleed eSports | 110 |
| ONIC Esports | 100 |
| BOOM Esports | 95 |
| Made in Thailand | 75 |
| Team Secret | 77 |
| Fancy United Esports | 70 |
| Griffin E-Sports | 70 |
| CERBERUS Esports | 65 |
| Alter Ego | 55 |
| ORDER | VCT Oceania Stage 2 Champion |
Ang mga teams sa VCT APAC Last Chance Qualifier ay maglalaro sa isang double-elimination bracket, na magsisimula sa unang round ng upper bracket. Ang top six seeded teams ay nakatanggap ng bye papunta sa ikalawang round ng upper bracket quarterfinals.
Ang lahat nang matches ay magkakaroon ng best-of-three series, maliban sa grand final na magiging best-of-five.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.