Nalalapit na ang pagsisimula ng ikalawa at huling Dota 2 Major tournament ng Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 season—ang PGL Arlington Major 2022.
Nakatakdang ganapin mula ika-4 hanggang ika-14 ng Agosto sa Arlington, Texas, USA, inaasahan ang mga naglalagablab na bakbakan sa naturang torneo. Bukod kasi sa prize pool nito na US$500,000 o mahigit PHP28 milyon, nakataya rin dito ang huling tsansa ng mga koponan na makakuha ng karagdagang DPC points na maaaring makapagbigay sa kanila ng direct invite sa The International 11.
Sa ngayon, apat pa lang ang teams na nakapagselyo ng kanilang slot sa TI11: ang PSG.LGD, TSM.FTX, OG at Thunder Awaken. Walong koponan pa ang direktang maiimbitahan sa pinakamalaking kompetisyon ng Dota 2 sa buong mundo at matutukoy ang mga ito sa pagtatapos ng Arlington Major na may napakahalagang 4,570 DPC point pool.

Kasado na ang mga kwalipikadong koponan sa Major na itatampok ang lahat ng rehiyon sa unang pagkakataon ngayon taon matapos hindi makadalo ang mga pambato ng China sa ESL One Stockholm Major.
May sumatotal na 18 teams ang naka-qualify sa Arlington Major ngunit 17 lang ang makakapunta dahil nag-withdraw ang Xtreme Gaming dulot ng paulit-paulit na pagka-deny ng US visa application ni carry player Lou “lou” Zhen, ayon sa Weibo post ng koponan.
Lahat ng kwalipikadong koponan sa Arlington Major mula sa bawat rehiyon

Southeast Asia (3 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC SEA TOUR 3 DIVISION 1 |
| BOOM Esports | Kampeon |
| Talon Esports | 2nd |
| Fnatic | 3rd |
China (3 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC CN TOUR 3 DIVISION 1 |
| Royal Never Give Up | Kampeon |
| Team Aster | 2nd |
| PSG.LGD | 4th |
* nag-withdraw ang 3rd placer na Xtreme Gaming dahil sa visa issues
Western Europe (4 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC WEU TOUR 3 DIVISION 1 |
| Tundra Esports | Kampeon |
| Team Liquid | 2nd |
| OG | 3rd |
| Entity | 4th |
Eastern Europe (3 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC EEU TOUR 3 DIVISION 1 |
| Outsiders | Kampeon |
| Natus Vincere | 2nd |
| Team Spirit | 3rd |
North America (2 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC NA TOUR 3 DIVISION 1 |
| Evil Geniuses | Kampeon |
| Quincy Crew | 2nd |
South America (2 koponan)
| KOPONAN | RESULTA SA DPC SA TOUR 3 DIVISION 1 |
| Thunder Awaken | Kampeon |
| beastcoast | 2nd |
Maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga istorya patungkol sa Arlington Major.