Sinelyo ng OG ang ikalima nilang Dota 2 Major trophy matapos magtagumpay sa ESL One Stockholm Major. Tinalo nila ang TSM.FTX sa grand final, 3-1, kahit pa dalawa mula sa orihinal na miyembro ng kanilang roster ay hindi nakadalo sa turneo.

Hindi kasi agad nakakuha ng visa para makalipad papuntang Sweden ang kapitan ng koponan na si Mikhail “Misha” Agatov at coach nilang si Evenii “Chuvash” Makarov. Sa halip, humalili muna bilang support si Sébastien “Ceb” Debs, habang nag-coach muna si Johan “N0tail” Sundstein

Matapos subaybayan ang tagumpay ng dati niyang mga kakampi noong gumawa sila ng kasaysayan sa magkasunod na The International noong 2018 at 2019, natanong ng fans si Topias Miikka “Topson” Taavitsainen kung posible bang makapagsama-sama ulit sila sa isang koponan.

Topson tungkol sa OG reunion: ‘Don’t even dream about it’

‘Di nagpaligoy-ligoy ang Finnish midlaner nang sagutin niya ang isang tanong patungkol sa posibilidad ng isang ‘OG reunion’.

“There is no chance guys,” aniya. “Don’t even dream about it, it’s over. All the guys have officially retired.”



Nagpasyang mag-retire sa competitive Dota 2 scene si Topson noong 2021 para manirahan sa Malaysia kasama ang kanyang pamilya. Kasabay niyang mag-retire sina Ceb at N0tail, at ito ang nagbigay-daan para mapuno ng mga bagito ang bagong roster ng OG.

OG reunion? 'Wag na raw umasa sabi ni Topson
Credit: Topson

Bago maging stand-in coach sa Stockholm Major, ang pagpapatakbo ng OG Esports bilang ang co-owner ng organisasyon ang pinagkakaabalahan ni N0tail.

Wala namang paramdam ang retirado nilang carry na si Anathan “ana” Pham, habang kaka-alis lang ni Jesse “JerAx” Vainikka sa Evil Geniuses, ang koponan na kasama niyang sumabak noong ikalawang Tour ng Dota Pro Circuit 2021/2022.

Sa ngayon, wala pang balita kina Ceb at JerAx kung ipagpapatuloy ba nila ang kanilang pagbabalik sa competitive scene.


Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Noong Manila Major daw ang peak ng career ni JerAx